Gumawa ng tree house ang netizen na ito para sa maayos na signal sa online class ng kaniyang pamangkin!



Hindi naging madali para sa ating lahat ang mga sakuna, kalamidad at pagsubok na dumating sa atin mula pa nang magsimula ang taon na ito. Ngunit sa awa at biyaya ng Diyos ay patuloy pa rin tayong bumabangon at lumalaban sa buhay.


Dahil nga sa pandemyang kinakaharap natin sa ngayon maraming mga negosyo, kompanya, pamilya at indibibwal na naapektuhan. Hindi naging biro ang takot at pangambang naranasan natin sa lumipas na mga buwan dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ring apektado ng sakit na ito.


Maging ang edukasyon sa ating bansa ay apektado na rin. Tradisyonal na pag-aaral kasi ang nakasanayan natin hindi tulad ng ibang mga bansa na nakasanayan na ang home schooling o di kaya naman ay online classes.

Dahil sa hindi pa maaaring lumabas ang mga bata at matatanda hanggang sa mga araw na ito, mas minabuti ng ilang mga paaralang sa pamamagitan na muna ng online class mag-aral ang mga bata. Ito ay para na rin sa kanilang kaligtasan.


Ngunit ang pagbabagong ito sa nakagisnan nating gawi ng pag-aaral ay mayroon ding kaakibat na mga suliranin. Unang-una na rito ang kawalan ng angkop na “gadget” ng ilang mga mag-aaral lalo na ang mga galing sa mahihirap na pamilya



Kinakailangan din ng maayos na “internet connection” upang makapag-aral ng maayos ang mga mag-aaral. Maraming mga sikat na personalidad at pribadong organisasyon ang namahagi na ng ilang mga tablet o cellphone sa mga kapus-palad na mag-aaral.



Habang ang ilan naman ay tumulong para sa “Wi-Fi connection” na kailangan ng mga mag-aaral. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring iilan na hirap na makakuha ng maayos na internet connection kung kaya naman naisipan ng isang netizen na ito na gawan ng isang tree house ang kaniyang pamangkin, hindi para maglaro kundi upang makasagap sila ng mas maayos na signal para sa online class nito.

Maraming mga netizens ang bumilib kay Giecel Marie Curangcurang dahil sa diskarteng naisip nito para sa kaniyang pamangkin na si Arvin Jay. Sila ay taga-Alicia, Bohol kung kaya naman kinailangan niyang gawin ito para makakuha sila ng mas malakas na signal.

Umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko ang ginawang ito ni Giecel.




error: Content is protected !!