Kim Domingo labis na nasaktan sa pagpanaw ng kaniyang matalik na kaibigan!



Nito lamang Huwebes ay nagbahagi ang aktres at modelo na si Kim Domingo ng isang post sa social media kung saan ikuwento niya ang napakakulay na pagkakaibigan nila ng kaniyang “best friend” na si Zacharael Gelzz. Napakalungkot ni Kim dahil sa pagpanaw ng kaniyang matalik na kaibigan dahil sa sakit sa baga.


Ayon sa post ni Kim, ayaw niyang magpaalam sa kaniyang kaibigan ngunit marahil ito na rin ang paraan upang hindi na siya mahirapan at magdusa pa dahil sa kaniyang karamdaman. Ibinahagi ni Kim ang marami nilang mga larawan at mga alaala nang magkasama.




Ayon pa sa kaniya, taong 2010 nang magkakilala sila sa hayskul at hindi talaga siya makapaniwalang sa dinami-rami ng tao sa mundo ay siya pa ang magiging best friend niya. Natural na tayong makakita nang mga magkakaibigang lalaki at magkakaibigang babae ngunit ang lalaki at babaeng magkaibigan ay talagang bihira.


Kahit pa nga madalas silang mapagkakamalang magkasintahan, batid nilang dalawa na magkaibigan lamang sila at tunay na pamilya ang turing sa isa’t-isa. Masayang ikinuwento ni Kim na kasama niya ang kaniyang matalik na kaibigan noong panahon na walang-wala pa siya at hindi pa siya nakikilala bilang si Kim Domingo.


Nagmomodelo pa lamang siya noon, rumaraket sa mga car shows hanggang sa dumating ang pambihirang pagkakataon na napabilang na siya sa popular na programa nang GMA-7 na “Bubble Gang”. Kahit pa nga mayroon nang karamdaman si Zacharael ay nananatili pa rin itong matalik na kaibigan ni Kim.




Tunay nga na maituturing ng aktres na isang biyayang mula sa langit ang kaniyang kaibigan dahil sa hindi lahat tayo ay nagkakaroon ng pagkakataong makakilala ng isang taong susuporta at magmamahal sa atin kahit pa hindi natin sila kadugo. Tulad na lamang ni Kim na pinalad na makasama ang kaniyang matalik na kaibigan kahit sa sandaling panahon lamang sila nagkasama.





error: Content is protected !!