Dating “cruise ship chef” isa ang “fish vendor” sa gitna ng pandemyang kinakaharap natin sa ngayon!



Maraming mga tao sa ngayon ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang COVID-19. Talaga namang napakahirap at hindi madali ang pinagdaanan at patuloy na pinagdaraanan ng marami sa atin lalo na at marami sa mga nawalang ng pagkakakitaan ay mga pamilyadong tao at talaga namang sila lamang ang inaasahan ng kanilang asawa at mga anak.



Kabilang na sa mga ito ang isang “seaman” dati na ngayon ay nagtitinda ng isda upang mayroong pagkakitaan. Nasanay na siyang magtrabaho noon pa man at dahil na rin sa pandemya ngayon ay wala na siyang iba pang magagawa kung hindi ang humanap ng iba pang paraan upang kumita ng pera.

Sa ngayon ay nagtitinda ng isda si Rain Paul Cervantes na nagtrabaho noon bilang isang ship sa cruise ship nang halos tatlong taon din. Aminado si Rain na noong una ay nahihiya siya sa kinasapitan niyang sitwasyon ngunit kinailangan niya itong gawin dahil siya lamang ang inaasahan ng kaniyang walong mga kapatid.


Siya lang din ang nakapagtapos ng pag-aaral sa kanilang lahat. Habang naghihintay siyang muli ng trabaho sa “cruise ship”, pagtitinda na muna ng isda, almusal sa umaga, ulam sa tanghali at barbecue ang ilan sa kaniyang pinagkakaabalahan.



Talaga namang patuloy siyang nagsusumikap at kumakayod para sa kaniyang mga mahal sa buhay lalo na sa panahon ngayon na maraming mga nakapagtapos ng pag-aaral at mayroon nang magagandang trabaho ang nakakaranas ng mahirap na problema dahil sa kawalan ng trabaho o pagkakakitaan.


“So naisipan ko po na magnegosyo muna po ng paglalako ng isda. Pero hindi lang po ‘yun ‘yung naging isang negosyo ko na pangtawid sa pandemya ngayon habang wala pang trabaho. Nagtitinda rin po ako ng almusal sa umaga, ulam sa tanghali, atsaka nag ba-barbeque po ako sa hapon.” Pahayag ni Rain.

Talaga namang marami ang humanga sa kaniyang pambihirang kasipagan at determinasyon sa buhay sa kabila ng maraming mga pagsubok at paghihirap natin sa ngayon.




error: Content is protected !!