Isang batang lalaki ang nagligtas sa aso na ito na ginaw na ginaw sa gitna ng sapa!



Hinangaan at umani ng maraming papuri mula sa mga netizens ang batang lalaki na ito dahil sa pagmamalasakit at pagmamagandang-loob nitong iligtas ang isang asong natagpuan nilang basa at ginaw na ginaw sa gitna ng sapa sa Amparo Subdivision sa Caloocan. Ayon sa ibinahaging post ng netizen na si Nini Ragos ay patungo silang palengke isang umaga ng makita nila ang kawawang aso, nagtanong-tanong sila kung sino ba ang maaaring tumulong o sumagip sa nakakaawang aso.

Dagdag pa niya tila ba matagal nang nakababad sa tubig ang aso kung kaya naman hindi na ito makakilos pa sa sobrang takot at lamig. Buti na lamang ay mayroong isang batang lalaki na gumawa ng paraan upang maisalba ang aso.

Ayon sa ilang mga ulat, dumalaw sa kanilang kamag-anak ang amo ng asong ito kung kaya naman iniwanan na muna ito sa kanilang kapitbahay upang kahit papaano ay mayroon pa ring tumingin-tingin dito habang wala pa ang kaniyang mga amo. Napag-alaman din nilang may anim na bagong silang palang mga tuta ang kawawang aso.




Nagpapadede ito kung kaya naman kailangang-kailangan pa siya ng kaniyang mga anak.


“Mabuti na lang may lalaki nagmalasakit na iahon si mama dog na may 6 na anak na pina didede. Hindi kami umalis hanggat hindi namin nakikitang ligtas ang aso. Salamat ulit sa iyo kuya.” Pahayag ni Nini.

Maraming mga tao ang talaga namang namangha at bumilib sa batang lalaki na siya mismong gumawa ng paraan upang maging ligtas ang asong nababad nang matagal sa tubig sa sapa. Hindi naging madali ang ginawa ng hindi pa nakikilalang batang lalaki ngunit talaga namang kahanga-hanga ang ginawa niyang pagtulong sa aso.

Tunay nga na marami pa ring tao sa ngayon ang hindi mag-aalangan o magdadalawang-isip na tumulong sa mga nangangailangan, tao man ang mga ito o mga hayop. Napakagandang inspirasyon para sa nakararami!




error: Content is protected !!