Isang single mom may kakaibang promo na “buy a house get a free wife and kids” patok ngayon sa social media!



Sa panahon natin ngayon na napakarami nang mga online sellers at masisipag na mga tindero, talaga namang kaniya-kaniyang diskarte ang mga iba pang nagtitinda ng iba’t-ibang produkto upang mas maraming bumili o tumangkilik sa kanilang produkto o serbisyo. Ngunit aakalain ba ninyo na ang isang single mom na ito sa Indonesia ay mayroong kakaibang promo sa kung sino man ang magnanais na bumili ng kanilang bahay?

Ayon kasi sa kaniya, sa mga nais bumili ng bahay ay sigurado na ang instant misis at mga anak. Ang single mom na ito ay nakilala bilang si Ayu Novi Astiana, 31 taong gulang mula sa West Bandung, Indonesia.

Nito lamang Mayo ay lumabas na ang resulta ng kanilang diborsyong mag-asawa, legal na silang hiwalay ngunit naiwan sa kaniya ang kaniyang mga anak at ang kanilang bahay. Hindi man niya binahagi ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng dati niyang mister ay ninais niya na rin na maibenta ang kanilang dating tahanan.


Maraming mga netizens pa nga ang nagulat sa kakaiba niyang promo o “freebies”. Maliban kasi sa magkakaroon na ng misis ang sino mang bibili ng naturang bahay ay magkakaroon pa ito ng dalawang mga anak nang walang extra na babayaran o extra charge.



Marami ang natawa at inakalang biro lamang ang lahat ngunit hindi nila alam na seryoso pala dito si Ayu! Ayon sa post nito ay nanggaling sa kaniyang kapitbahay ang ideyang ito na kung bebenta na rin naman niya ang kanilang dating tahanan ay bakit hindi na rin siya maghanap ng lalaking maaaring magmahal muli sa kaniya lalo na ngayon na isa na siyang single mom.



Nung una ay aminado siyang hindi niya nagustuhan ang suhestiyon ng kaniyang kapitbahay ngunit napaisip rin siya na kahit papaano ay maaari din niya itong gawin. Ang 52 sqm nilang bahay ay binebenta niya sa halagang IDR250 million o halos Php823,000.

Umaasa siya at nananalangin na mayroong isang “single” at responsableng lalaking bibili ng kanilang bahay at susubok na suyuin ang kaniyang puso.




error: Content is protected !!