Erich Gonzales, ipinasilip sa publiko ang kaniyang simple ngunit napakagandang bahay sa Quezon City!



Si Erich Gonzales ay isa sa pinakahinahangaang aktres sa Pilipinas hindi lamang sa angkin niyang kagandahan kung hindi dahil rin sa kaniyang mahusay na pagganap sa mga proyektong kaniyang ginagawa. Taong 2004 nang magsimula siya sa showbiz.


Naging produkto siya ng ikalawang season ng “Star Circle Quest”. Taong 2009 nang mas nakilala siya ng publiko at talaga namang hinangaan siya ng maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang nakakamanghang pagganap sa hit primetime series na “Katorse”.




Makalipas ng dalawang taon ay gumanap naman siyang bida sa “Maria del Barrio”. Matapos nito ay nabigyan pa siya ng maraming mga pelikula at programa sa telebisyon na talaga namang kinabiliban ng kaniyang mga tagahanga.


Taong 2019 nang magkaroon siya ng sarili niyang YouTube channel kung saan niya ibinabahagi sa kaniyang mga tagasuporta ang kaniyang buhay at mga bagay na kaniyang pinagkakaabalahan. Isa na nga sa viral videos niya ay ang pagpapasilip niya sa publiko ng kaniyang napakagandang bahay.


Marahil marami ang nagulat dahil sa hindi ganoon kagarbo ang kaniyang tahanan ngunit masayang-masaya siya dahil sa simple, maaliwalas nitong tahana na naipundar niya dahil na rin sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa kaniyang trabaho.




Ilan sa mga pinakita niyang bahagi ng kaniyang minimalist home ay ang kanilang “customized sofa” na maaari ding gawing higaan, isang “ottoman” na maaaring maging “center table” o “foot rest”.


Neutral colors din ang mga kulay ng kagamitan at dekorasyon sa bahay ng aktres. Mayroon pa silang dalawang sofa na matatagpuan sa “powder room” at isang “recliner” kung saan hilig niyang tumambay at maglaro ng video games.


Para sa dining area naman nila ay nagpagawa siya ng six-seater dining table. Sa kanilang kusina ay maaari ding mag-bake habang sa dirty kitchen naman nila madalas magluto si Erich at mga kasambahay nila.


Dagdag pa ng aktres sa kaniyang vlog, siya lamang ang nagdisenyo at nag-ayos ng mga ito. Talaga namang marami ang na-inspire sa post na ito ni Erich na sa ngayon at nahihilig din sa pag-aalaga ng mga halaman at mga bulaklak sa munti niyang hardin.




error: Content is protected !!