Mga divers na nakadiskubre sa lumubog na barko, nagulat sa tinatagong sorpresa nito!



Napakadaming misteryo at kaganapanan ang naghihintay lamang na madiskubre lalo na sa panahon natin ngayon. Tulad na lamang ng nadiskubre ng mga divers na ito sa Canada.


Ayon sa ilang mga ulat, nagsimula ang lahat noong 1800s kung saan pinangunahan ni John Franklin ang ekspedisyon ng dalawang malalaking mga barko na HSM Erebus at HMS Terr*r. Ngunit ilang mga taon pa ang lumipas at hindi pa rin nakakauwi sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.

Hanggang sa 59 na mga taon na nga ang lumipas at mayroon nang napabalitang liham na bigla na lamang natagpuan. Sa naturang liham ay nakasaad ang trahedyang sinapit ng ekspedisyon.

Inabandona na ang mga barko noon pang Abril 1848. Taong 1847 ay sumakabilang-buhay ang kapitan ng barko na si Kapitan Franklin. Nagdaan pa ang ilang mga taon nang matagpuan na lamang ang HMS Erebus at sa loob nito ay makikita pa ang mga kagamitan at ilang alaala ng naging ekspedisyon noon.




Ang ikawalang barko naman na HMS Terr*r ay natagpuan na rin makalipas pa ang ilang taon ngunit mayroong nakakagulat na balita ang talagang gumimbal sa publiko at sa maraming mga ekspertong nagsisiyasat sa naganap na eskpedisyon. Kahit pa kasi maraming mga taon at dekada na ang nakaraan ay tila ba walang nangyari sa mga kagamitang nasa loob ng ikawalang barko.



Marahil dahil ito sa pagkakalubog nito mismo sa nagyeyelong karagatan. Ayon pa nga sa spokesman ng “search parties” na si Adrian Schimnowski, kung sakaling maiaahon pa ng buo ang barkong ito at maaalis ang nagyeyelong tubig sa loob nito ay tiyak na kakayanin pa nitong lumutang!


Nang nagkaroon na sila ng pagkakataon na sumisid sa loob ng lumubog na barko ay labis silang namangha sa mga gamit at iba pang bagay sa loob nito dahil tila ba walang nangyaring sakuna sa sasakyang ito. Nasa maayos pa kasing kondisyon ang mga naisalba at nakuha nilang gamit mula sa barko.




error: Content is protected !!