Neri Miranda binilinan ng mamahaling gadget ang kaniyang ina, Kim Chiu nag-react!



Si Neri Naig-Miranda ay misis ng sikat na musikerong si Chito Miranda. Maaalalang naging sumali siya noon aa Star Circle Quest ng ABS-CBN kung saan siya naging 6th placer.


Nabigyan din siya ng pambirang pagkakataon na mapabilang at makagawa ng ilang mga pelikula at programa sa telebisyon. Sa ngayon ay hindi na siya madalas makita sa harapan ng kamera dahil sa abala na siya sa kaniyang sariling pamilya at sa kaniyang sariling mga negosyo.



Ilan kasi sa kaniyang mga negosyong patok na patok sa ngayon ay ang “Vibrant” at “Neri’s Gourmet Tuyo”. Talaga namang nakakamangha ang tagumpay na tinatamasa niya at ng kaniyang pamilya sa ngayon dahil mismo sa kanilang pagsusumikap at pagtutulungang mag-asawa.

Ngunit mas bumilib pa ang marami kay Neri dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit nito sa kaniyang ina. Ayon kasi sa naging post nito kamakailan lamang ay naglalambing sa kaniya ang kaniyang ina dahil sa inip na inip na ito sa loob ng kanilang tahanan sa halos anim na buwang hindi paglabas dahil na rin sa pandemya.


Dahil sa hanggang sa labas lamang ng tahanan nila o sa hardin lamang nila ang napupuntahan ng kaniyang ina ay hindi ito nagdalawang-isip na bilhan siya ng mamahaling gadget nang maglambing ito sa kaniya. At sa ngayon nga ay hilig na nitong manuod ng isa sa mga sikat na programa ni Kim Chiu na “Love Thy Woman”.



Masayang masaya si Neri na nabilhan niya ng ganitong gadget ang kaniyang ina. Napag-alaman din naman ng aktres na si Kim ang paghanga at pagtangkilik ng ina ni Neri sa isa sa kaniyang mga proyekto kung kaya naman nag-react at nagkomento siya sa post ni Neri.


Maraming mga netizens ang talaga namang natuwa sa ginawang ito ng matagumpay na ngayong businesswoman na si Neri. Higit sa pagsusumikap at pagtitiyaga niya at ng kaniyang mister sa kanilang mga negosyo ay talaga namang nakakabilib din ang pagmamalasakit at pagmamahal nito sa kaniyang sariling pamilya at sa kaniyang mahal na ina.




error: Content is protected !!