Batang babae ibinalot sa plastik ng lolo para mayakap ang kaniyang ama na isang frontliner, umantig sa publiko!



Sa mga oras at panahon na ito, aminin man natin o hindi, marami sa atin ang patuloy na nagiging pasaway at matigas ang ulo lalo na pagdating sa mga batas at paalalang sinasabi ng ating gobyerno patungkol sa COVID-19. Walang tigil ang paalala ng ating pamahalaan, ng ilan pang mga organisasyon at mga indibidwal na hindi biro ang kinakaharap nating suliranin sa ngayon.


Sa halos ilang buwan na paglaban natin sa sakit na ito ay marami na sa atin ang nais sumuko at bumitaw sa laban. Napakahirap at talaga namang nakakapagod, lalo na para sa ating mga magigiting na frontliners na mas inuuna pa ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kanilang sariling mga kalusugan at buhay.



Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng publiko ang video ng isang batang babae at ang kaniyang ama dahil sa kinailangan siyang ibalot ng kaniyang lolo sa plastik para lamang mayakap niyang muli ang kaniyang ama na isang pulis. Maingat na inayos ng lolo ang pagkakalagay o pagkakabalot ng batang babae sa isang plastik na magsisilbing proteksyon nito laban sa sakit na hindi natin nakikita o namamalayang tinataglay na pala natin.


Ang video na ito ay ibinahagi ni Debbie Bustos Contreras na nilagyan niya ng caption na “How hard. We never dreamed that we are going to see this one day.” Maraming mga netizens ang nalungkot at talaga namang naantig ang damdamin dahil sa pangyayaring ito.




Kung marami sa atin ang inip na inip na sa ating mga bahay at gustong gusto nang lumabas, bumiyahe o makagala, mayroon namang mga magulang na nangungulila sa kanilang mga anak at mga anak na nasasabik sa kanilang mga magulang. Wala silang magawa sa gitna ng pandemyang ito kung hindi makuntento na lamang sa mga bagay na kaya nilang gawin para sa kanilang mga mahal sa buhay tulad na lamang ng ginawang ito ng mag-ama magkayakap lamang sila.




error: Content is protected !!