Isang lalaking mapalad na nakaligtas mula sa dapat sana ay isang aksidente, viral ngayon online!



Napakaraming mga bagay ang nagaganap sa atin sa araw-araw. Maraming mga sitwasyon ang nararanasan natin na talagang sumusubok sa ating katatagan bilang isang indibidwal.

Mga problemang akala natin ay wala nang solusyon o kasagutan pa. At siyempre may mga pambihirang bagay din naman na nangyayari minsan na tila ba isang himala na dumarating na lamang nang biglaan sa ating buhay.



Ang mga karanasan na ito ang ilan lamang sa maraming mga bagay na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang video ng isang lalaki na ito na muntik-muntikan nang malagay ang buhay sa kapahamakan nang may bigla na lamang sumulpot na rumaragasang sasakyan sa kaniyang likuran habang siya ay naglalakad.

Ayon sa ilang mga ulat, ang pambihirang pangyayari na ito ay naganap sa Chavara sa Kollam District sa Kerala India. Kampanteng naglalakad ang lalaki sa gilid ng kalsada kung saan naman talaga ang wastong daanan ng mga tao.



Ngunit sinong mag-aakala na kahit nasa tamang daanan na siya ay mayroon pang maaaring maganap na hindi mo aakalain! Labis din namang nasorpresa ang lalaki dahil sa naranasan niyang ito.


Hindi siya makapaniwalang isang segundo lamang ang pagitan niya sa kapahamakan na iyon! Kung nagkataon na hindi siya sinuwerte ng mga oras na iyon ay tiyak na kritikal ang kaniyang kalagayan sa ngayon o di kaya naman ay maaaring binawian na rin siya ng buhay.

Maraming mga netizens ang talaga namang nabigla at nagulantang nang mapanuod ang video na ito. Ilan sa kanila ang hindi na napigilan pang magkomento at mag-react sa pagiging labis na maswerte nang hindi pa nakikilalang lalaki sa video.

Tiyak na mas papahalagahan na natin sa ngayon ang buhay na mayroon tayo dahil sa hindi natin alam kung kailan ito maaaring bawiin sa atin, nang isang iglap lamang. Kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ng lalaki sa video, ano kaya ang iyong mararamdaman?




error: Content is protected !!