Matandang nahuling walang helmet, nakatanggap ng isang napakagandang biyaya mula sa mga estranghero!



Hindi na bago sa atin ang mga kagandahang loob ng ibang mga tao sa kanilang kapwa. Marami sa atin ang hindi nagdadalawang-isip na gumawa ng mabuti at tumulong sa iba sa abot ng kanilang makakaya.


Kahit pa napakarami nating pinagdaraanan na mga pagsubok at suliranin sa ating buhay araw-araw, tila ba mas nagiging inspirasyon natin ang mga pagtulong na ito upang mas magsumikap pa sa buhay at balang-araw ay tayo naman ang makatulong sa ating kapwa. Kamakailan lamang ay mayroong isang matandang lalaking nakasakay sa kaniyang bisikleta sa kahabaan ng EDSA.

Wala siyang suot suot na kahit anong pangproteksyon sa kaniyang ulo o sa kaniyang katawan. Kung kaya naman nang mahuli ito ng isang grupo ng mga bike riders ay agad nila siyang tinulungan.

Binigyan nila ng bagong helmet at vest ang matanda para na rin sa kaligtasan nito sa kalye. Sa social media ay ibinahagi ng “Greenpeace Philippines” ang ilang mga larawan ng mapalad na matandang lalaki.

Isang napakagandang inspirasyon ng pagtulong sa kapwa ang pinamalas ng mga miyembro ng bikers group na ito. Ngunit nakakalungkot lamang na hanggang sa modernong panahon natin sa ngayon ay mayroon pa rin talagang ilang mga Pilipinong hirap at hindi kayang makabili ng mga mahahalagang bagay tulad na lamang ng mga kagamitang ito.



Mas prayoridad kasi natin ang pagkain sa ating hapag-kainan at pangtustos sa pag-aaral ng ating mga anak.


“Nakaaantig ng puso! ‘Di naman gusto ng ilan sa ating mga kababayan ang magbisikleta nang walang helmet at iba pang proteksyon, ngunit sila ay napipilitan dahil sa kawalan ng accessible na transportasyon at dahil na rin sa kagustuhang maghanapbuhay.” Pahayag ng Greenpeace Philippines.

Ang grupo ng mga bike na riders na tumulong sa hindi pa nakikilalang matanda ay ang mga volunteers ng Bikers United Marshalls. Dahil na rin sa naging viral sa social media ang ginawa nilang pagtulong sa matanda ay maraming mga netizens ang nais na makatulong din sa kaniya kung kaya naman hanggang sa ngayon ay hinahanap pa rin nila ang matandang lalaki.




error: Content is protected !!