Pagmamalasakit, pagmamahal at dedikasyon ng guro na ito hinangaan ng publiko!



Napakarami na nating naranasang kalamidad, sakuna at malulungkot na pangyayari mula nang pumasok ang taong 2020. Talaga namang nasubok ang ating katatagan at pananampalataya sa Diyos.


Ngunit marahil ang pinakamabigat sa mga napagdaan na natin ay ang pandemyang naranasan din ng marami pang mga bansa sa iba pang panig ng mundo. Marami mang mga negosyo at kompanyang nagsara, mga taong nawalan ng trabaho ay pagkakakitaan patuloy pa rin tayong umaasa na darating din ang araw na ating pinakahihintay kung kailan magbabalik ang lahat sa normal at hindi na tayo matatakot o mangangamba pa.



Kasabay ng “new normal” na pamumuhay nating lahat ay ang mga paaralan din na kinailangang magsara para na rin sa kapakanan ng nakararami. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring ilang mga tao ang nagsusumikap na matugunan ang pangangailangan ng mga kabataan o estudyanteng minsan nang napamahal sa kanila.

Tulad na lamang ng isang guro na ito mula sa siyudad ng Aguascalientes na si Nay Esp. Isa siyang guro ng mga mag-aaral na mayroong espesyal na pangangailangan.

Isa sa mga naging pangamba niya ay ang kaniyang mga estudyanteng hindi makakapagpatuloy ng pag-aaral dahil na rin sa kawalan ng gadget ay maayos na koneksyon ng internet para sa kanilang mga online classes. Kung kaya naman naisipan niyang gamitin ang sarili niyang pera para sa mga materyal na kakailanganin niya sa pagtuturo sa kaniyang mga estudyante sa kaniya mismong sasakyan o truck.



Hindi niya alintana ang dalawang oras o higit pang biyahe para lamang makarating sa bahay ng kaniyang mga mag-aaral. Dahil sa pangyayaring ito ay maraming mga netizens ang nakapansin sa kaniyang pambihirang dedikasyon sa kaniyang trabaho at ang kaniyang nakakabilib na pagmamalasakit sa mga kabataang ito.


Wala man siyang dagdag na sweldo sa kaniyang ginagawa ay masayang-masaya naman ang kaniyang puso dahil sa nagagawa niyang matulungan at maturuan ang mga estudyante niya lalo na sa panahon ng pandemya.




error: Content is protected !!