Kristel Fulgar nakapagpundar na ng bahay at ilang mga sasakyan dahil sa vlogging!



Si Kristel Aina Oquindo Fulgar o mas nakilala ng publiko bilang si Kristel Fulgar ay 25 taong gulang na aktres at singer. Una na siyang nakilala bilang isa sa mga cast ng “Goin’ Bulilit”, “Maria Flordeluna”, “Dahil Sa Pag-ibig”, “Got to Believe” at “Bagito”.

Sa ngayon ay hindi na lamang siya isang aktres at isang singer dahil sa isa na rin siyang sikat na vlogger. Ang kaniyang YouTube channel na Kristel Fulgar ay mayroon nang 1.17 milyong mga subscribers.

Hindi na nakapagtatakang dahil dito ay napagkalooban na siya ng dalawang Gold Creator Awards. Nais niyang maging inspirasyon sa mas marami pang mga taong nagnanais ding maging vlogger tulad niya.



Dahil sa kaniyang dedikasyon at pagsusumikap na gumawa ng mga de-kalidad na mga videos ay nakapagpundar na siya ng bahay at nakabili ng ilang mga sasakyan.


“May nagsasabi saken ang sipag ko daw ako nag-eedit ng vlogs ko ganyan. Winowork-out ko para umangat sarili ko. Nag-cocover ako. Gumagawa ako ng paraan para maangat ‘yung sarili ko,” pagbabahagi niya sa “Star Beginnings” sa YouTube channel ng Star Magic.

Ngunit sa kabila ng kaniyang mga tagumpay sa buhay ay nananatili pa ring nakatapak sa lupa ang kaniyang mga paa. Ayon sa dalaga ay hindi niya makakamit kung anong mayroon siya sa ngayon kung hindi dahil sa tulong ng Panginoon. Itinuturing din niyang biyaya mula sa Diyos ang mga bagay na tinatamasa niya sa ngayon.

“Sabi ko sobrang achievement din ‘yung nakarating ako sa mga dream places ko, dream countries. Achievement din na hanggang ngayon artista pa rin ako. Nagawa ko na din ‘yung pagpapagawa ng bagong house. Bumili ako ng mga kotse.

Hindi ako sobrang mataas mangarap. ‘Pag mangarap ako, gusto ko ‘yung realistic,” dagdag pa niya. Dahil na rin sa kaniyang pagba-vlog ay mas pinagkakatiwalaan siya ng mga magagandang “roles” sa ilang mga pelikula at programang kaniyang ginagawa.




error: Content is protected !!