Vice Ganda at Ion Perez nagdiwang ng kanilang 22nd monthsarry!



Nakakatuwang malaman na maraming mga sikat na personalidad ngayon sa ating bansa ang mapalad na magkaroon ng matagumpay na karera sa showbiz, iba pang mga negosyo, malaking bahay at lupa, masayang pamilya at siyempre makulay na buhay pag-ibig. Isa na marahil sa mga sikat na celebrity na ito ang 44 taong gulang na komedyante at host na si Vice Ganda.


Sinong mag-aakala na ang magpapasaya pala sa kaniyang puso ay makikilala niya rin sa programang “It’s Showtime”? Ang kaniyang nobyo sa ngayon ay ang kapwa niya host, modelo at pageant titleholder na si Ion Perez na 29 na taong gulang na.




Noon pa man ay isa na siyang mahusay na modelo at ilan sa mga nagawa niyang proyekto ay sa Cosmopolitan Philippines. Siya ay nakonorahan na din bilang Mister Universe Tourism at taong 2017 naman nang mapabilang siya sa mga nanalo sa “2017 Misters of Filipinas pageant”.

Talaga namang hinangaan at kinakiligan ng “madlang pipol” ang kanilang pagkakaibigan, at ang naging pag-amin nila sa kanilang tunay na relasyon noong 2019 matapos nang naging pagtatanghal nila sa “Magpasikat” segment ng programa. Ang “Kuya Escort” noon ng programang nagpapasaya lamang sa maraming mga Pilipino ay isa na ngayon sa mga rason ng masayang buhay pag-ibig ng batikang komedyante.


At sa pagdiriwang nila ng ika-22 buwan ng kanilang relasyon ay marami ang umaasang mas tatagal pa ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng maraming mga hadlang o balakid dito. Nagbahagi din si Vice ng ilang mga larawan nilang dalawa na talaga namang nagpapakita kung gaano sila kabagay sa isa’t-isa.



Hindi rin ito nakalampas sa mga netizens na tagahanga at tagasuporta ng magkasintahan. Umani ito ng maraming mga likes at comments mula sa kanila.


Bakas na bakas sa kanilang mga mata ang kaligayahan at ang pagiging kuntento nila sa isa’t-isa. Tunay nga na hindi lahat ay pinapalad na makatagpo ng wagas na pag-ibig tulad nina Vice at Ion.




error: Content is protected !!