Video nina Sam Milby at Catriona Gray sa loob ng “Wish 107.5 bus”, patok ngayon online!



Si Catriona Elisa Magnayon Gray ay isang 26 na taong gulang na modelo, singer, at beauty pageant titleholder. Siya ang kinoronahang Miss Universe 2018. Siya na ang ikaapat na Pinay na nag-uwi ng koronang ito.

Sa edad na limang taong gulang ay napanalunan na niya ang Little Miss Philippines contest sa Sydney taong 1999. Hindi lamang siya maganda, matalino, at may mabuting puso dahil sa kamangha-mangha rin naman ang kaniyang talento lalo na sa musika.



Kaugnay nito ay usap-usapan ngayon sa social media ang naging performance nila ng nobyo niyang si Sam Milby na kilala bilang “acoustic heartthrob” sa loob mismo ng Wish 107.5 bus. Agosto 25 nang i-upload ang naturang video sa social media at hanggang sa ngayon ay humahakot pa ito ng maraming mga likes at views mula sa mga netizens.

Sa apat na minutong video ay kinanta ni Catriona ang kaniyang awiting “We’re In This Together” habang si Sam naman ang naggigitara. Ayon sa ilang mga ulat, nais nilang makalikom ng pondo para sa “education program” na sinusuportahan ng magkasintahan.




Maalalang ang kantang ito ay mula pa sa single ni Catriona noong taong 2018. Ito ay tungkol sa pagtulong sa kapwang nangangailangan kung kaya naman talagang marami din ang nagnanais na sumuporta sa kanilang adbokasiya.


Maliban sa magandang boses ng Miss Universe beauty, kitang-kita rin naman ang malagkit at nakakatunaw nilang pagtitinginan sa isa’t-isa na lalong nagpakilig sa maraming mga Pilipino. Mapapansin ding kumakaway-kaway si Catriona sa kaniyang mga tagahanga kasabay ng pagsulyap at pagngiti ni Sam patungo sa kanilang direksyon.

Ilan pa ngang mga netizens ang nagsasabing bagay na bagay talaga silang dalawa para sa isa’t-isa. Maaalalang naging laman ng balita ang dalawa dahil sa mga post ng dating nobyo ni Catriona sa social media.

Ngunit sa kabila nito ay nakitaan ng katatagan ang dalawa na nananatiling suportado ang isa’t-isa ano man ang pagsubok na dumating sa kanilang buhay.




error: Content is protected !!