Marian Rivera, pinagkakaguluhan ngayon sa social media dahil sa kaniyang mga larawan!



Si Marian Rivera Gracia-Dantes ay mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Marian Rivera. Siya ay 36 na taong gulang na aktres, businesswoman, at commercial model.

Ilan sa mga popular niyang proyekto ay ang MariMar, Dyesebel, Amaya, at Temptation of Wife. Isa din siyang recording artist, nagkaroon siya ng dalawang studio albums, ang “Marian Rivera Dance Hits” at “Retro Crazy”.

Napabilang din siya sa Top 20 Endorsers noong taong 2011. Tinanghal din siyang Sexiest Woman ng FHM noong 2008, 2013, at 2014.

Disyembre ng taong 2014 ay talagang naging malaking balita ang magarbo nilang kasalan ng kaniyang longtime boyfriend na si Dingdong Dantes. Nobyembre ng sumunod na taon ay isinulang niya ang kanilang panganay na anak na si Maria Letizia (Zia), Abril 2019 naman nang ipanganak na niya si Jose Sixto Gonzalez (Ziggy).




Talaga namang nagmana sa kanila ang kanilang mga anak dahil sa kapansin-pansin na gwapo at maganda sina Ziggy at Zia. Maliban sa pagkakaroon ng matagumpay na karera, negosyo at masayang pamilya ay marami ding humahanga sa aktres dahil sa napanatili niyang maganda at balingkinitan ang kaniyang pangangatawan.

Napapa-sana all tuloy ang maraming mga netizens dahil sa napakagandang katawan ni Marian. Madalas siyang nagbabahagi ng mga “fit and fab body” niya sa social media.

Marami sa kaniyang mga tagahanga ang hindi makapaniwalang mayroon na siyang dalawang mga anak! Aakalan mo ngang dalaga pa siya dahil sa angkin niyang kagandahan at balingkinitang katawan.

Hindi madali ang maging isang ina, maging isang asawa, at maging isang artista ngunit tila ba napakadali lang para kay Marian ang pagsabay-sabayin ang lahat ng ito. Kitang-kita naman ang napakagandang disposisyon niya sa buhay na nagsisilbing inspirasyon din para sa maraming mga kababaihan at iba pa niyang mga tagahanga.

Tunay nga na kung nais mo talagang gawin ang isang bagay ay walang makapipigil sa iyo gaano ka man kaabala sa marami pang mga bagay, gagawa at gagawa ka ng paraan para magawa mo ang dapat mong gawin. Sipag, tiyaga, determinasyon at pagmamahal sa trabaho at sa kaniyang sarili ang ilan sa mga nakakamanghang katangian ni Marian Rivera.




error: Content is protected !!