Misis sinuong ang baha para lamang mailigtas ang mga laruan ng kaniyang mister!



Marahil ay marami sa atin ang sasang-ayon patungkol sa pagiging “the best” ng ating mga ina. Wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal at pagmamalasakit ng ating mga magulang sa atin lalo na ang ating mga ina na dinala tayo sa kanilang sinapupunan ng siyam na buwan at nalagay din sa peligro ang kanilang buhay dahil sa panganganak.



Dahil sa marami nilang mga sakripisyo sa kanilang pamilya ay talaga namang nararapat lamang na bigyan natin sila ng tunay at wagas na respeto at pagmamahal. Tunay nga na marami sa atin ang itinuturing silang bayani ng ating buhay.


Ngunit kamakailan lamang isang ina ang naging usap-usapan sa social media dahil sa pagsuong nito sa baha para lamang maisalba ang mga laruan ba koleksyon ng kaniyang mister. Sa Yudong, Chongqing China naganap ang grabeng pagbaha na naging dahilan upang lumikas ang mga residente dito.





Nakalikas na ang isang pamilya mula sa kapahamakang dulot ng pagbaha at pag-ulan ngunit pinili pa rin ng isang misis na sumuong sa baha at isalba ang mamahaling Gundam Collection ng kaniyang mister. Hindi kasi marunong lumangoy ang mister kung kaya naman siya na ang naglakas ng loob na kuhanin ito mula sa kanilang tahanan.




Sumakay sa isang bangka ang ginang kasama ang isang malaking lalagyan ng mga laruang koleksyon ng kaniyang asawa. Binasag niya rin ang bintana ng kanilang bahay upang makapasok siya at makuha ang kaniyang pakay sa loob ng kanilang tahanan.




Lingid sa kaalaman ng marami ay isa pa lang “long distance swimmer ang misis na matagumpay namang nailigtas ang mga koleksyong laruan ng kaniyang asawa na ayon din sa kaniya ay napamahal na rin sa kaniya. Kahanga-hanga mang maituturing para sa karamihan, mayroon pa ring iilang tao na nag-alala sa ginawang ito ng misis.




Ayon sa kanila ay delikado ito at hindi dapat ipagsapalaran ang buhay at kaligtasan para lamang sa mga materyal na bagay.




error: Content is protected !!