Sikat na child star noon na si Xyriel Manabat isa na ngayong napakagandang dalaga!



Malambot ang puso natin para sa mga bata, tila ba isang pa-cute lamang nila o isang “please” na may maamong mukha ay bibigay na tayo sa ano mang hilingin nila sa atin. Ngunit ayon nga sa kasabihan, pagbabago ang permanenteng bagay dito sa mundo.

Kung kaya naman kahit pa gustuhin nating maging bata na lamang sila sa habangbuhay ay imposible naman talagang mangyari ito. Darating at darating din ang panahon na magiging binata at dalaga na sila at makakaya na nilang tumindig sa sarili nilang mga paa. Isang magandang halimbawa ang dating sikat na child star na sa ngayon ay isa nang ganap na dalaga.


Marami na rin siyang nagawa mga proyekto at palabas noon lalo na noong taong 2010 kung saan nakilala ang karakter niyang si Momay. At ngayon nga ay 16 na taong gulang na siya, marami ang nagulat sa naging transpormasyon niya sa pagiging isang cute at mahusay na child actress sa pagiging ganap na dalaga.



Mayroong ilang mga netizens ang nakapansin sa kaniyang social media post kamakailan lamang kung saan nilagyan niya ito ng caption na “Simplicity with a dash of elegance!” Gulat na gulat ang ilang nakakita ng kaniyang mga larawan ngayon sa social media, karamihan sa kanila ay nag-iiwan pa ng komento ng paghanga sa dalaga dahil sa maganda nitong hitsura at balingkinitang pangangatawan.


Nito lamang Hunyo 2020 ay nagbahagi si Xyriel ng larawan ng kaniyang pagkatapos ng hayskul sa Golden Faith Academy sa Taytay, Rizal. Talaga namang napakagandang ehemplo niya para sa maraming mga kabataan dahil sa nakapagtapos siya ng pag-aaral kahit pa nga siya ay ganap ng artista.

Marami tayong iniidolo na mga artista ngunit ilan sa kanila ay hindi na nagawa pang makapagtapos ng kanilang kolehiyo dahil sa nagtrabaho na sila para sa kanilang pamilya at para na rin kumita at makapag-ipon ng pera. Hindi naman masama ito ngunit para sa maraming mga Pilipino ay mahalaga pa rin ang nakapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.




error: Content is protected !!