Categories: Viral

Apo nagpasalamat sa kaniyang lolo dahil sa tree house na ginawa nito para sa kaniyang online class!

Noon, hindi madali ang makapagtapos ng pag-aaral dahil na rin sa hirap ng buhay. Tila ba napakakumplikadong makuha ng diploma dahil sa kailangan mo talaga ng pera na pangpaaral o di kaya naman ay ng taong susuporta sayo sa ilang taong pag-aaral mo.

Ngunit makalipas ang ilang mga taon, tila mas naging mahirap pa ang sitwasyon ng marami sa atin dahil ang tradisyonal na pamamaraan ng pag-aaral ay kinailangang palitan ng mas modernong pamamaraan tulad na lamang ng online classes na ginagawa ng ilang mga guro at mag-aaral upang kahit papaano ay maipagpatuloy pa rin ang edukasyon sa gitna ng kinakaharap nating pandemya sa ngayon.

Dahil nga sa moderno na ang pamamaraan ng pag-aaral sa ngayon, marami sa atin ang nahirapang makabili ng gadget na gagamitin para sa online class, gayundin naman ang maayos na “internet connection” na hindi lahat sa atin ay pinalad na magkaroon.

Tulad na lamang ni Jennylyn Mae Casipit na isang mag-aaral na nasa Grade 12 at kumukuha ng Humanities and Social Sciences (HUMSS). Siya ay nakatira sa Guimaras at sa kanilang lugar ay talaga namang napakahirap makahanap ng maayos na “internet connection”.


Dahil dito ay ginawan siya ng kaniyang lolo ng isang “tree house” upang mas maging maayos ang pagsagap ng “internet connection” para sa kaniyang online class. Sobra sobra naman ang kaniyang naging pasasalamat sa kaniyang lolo dahil sa kabila ng nararamdaman nitong sakit sa kaniyang tuhod ay nagawa pa rin nitong igawa siya ng “tree house”.

Ayon na rin sa naging panayam sa kaniya ng “Aksyon Radyo Bacolod”, talagang nasasabik na si Jennylyn na makapag-aral muli at mas minabuti niyang piliin ang online classes kumpara sa modular lessons na ibinibigay ng kanilang paaralan. Ayon pa sa kaniya, nais niya talagang maging isang pulis balang araw upang matulungan ang kaniyang pamilya.

Maraming mga netizens ang humanga sa lolo ni Jennylyn dahil sa pagtulong nito sa kaniyang apo at gayundin naman ay hinangaan din ng marami ang estudyante dahil sa pagnanais nitong makapag-aral sa kabila ng maraming mga balakid.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago