Manny Pacquiao ibinahagi sa publiko ang “intense workout” na ginagawa nila ng misis niyang si Jinkee Pacquiao!



Si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao o mas nakilala ng publiko bilang si Manny Pacquiao ay 41 taong gulang na “professional boxer” at kasalukuyang senador ng Pilipinas. Nanalo siya sa eleksyon noon pang 2016 kung saan siya ay magseserbisyo sa bayan sa kaniyang anim na taong termino.

Halos 20 taon na rin ang nakararaan ng magpakasal sila ni Jinkee Jamora noong Mayo 10, 2000. Sa ngayon ay biniyayaan na sila ng limang mga anak sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Hindi naging madali ang buhay nilang mag-asawa noon dahil lumaki si Manny sa mahirap na pamilya ngunit dahil na rin sa kaniyang pagsusumikap at determinasyon sa buhay ay nagkaroons sila ng mas maganda at mas komportableng buhay. Tunay nga na sa kabila ng napakaraming tagumpay na tinatamasa ngayon ni Manny kasama na ang kaniyang pamilya ay nananatili pa rin silang mapagpakumbaba at matulungin sa kapwa.


Maraming mga balita at ulat patungkol sa kanilang pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan. Dahil dito ay talaga namang nagsisilbi sila bilang isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga pamilyang Pilipino.



Gayudin naman, hindi rin naman natin maipagkakailang ang relasyon ng mag-asawang Jinkee at Manny na sinubok at pinatibay ng panahon ay napakagandang ehemplo rin para sa mga mag-asawa sa ngayon. Hindi maiiwasan ang away, hindi pagkakaunawaan at malaking problema sa buhay may-asawa ngunit nalampasan nila ang lahat ng ito nang magkasama.


Kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang marami ang napapa-sana all sa kanilang mag-asawa, “couple goals” wika nga ng iba. Kamakailan lamang ay nagbahagi pa silang dalawa ng kaniyang “intense workout video” kung saan si Manny ay tinuturuang mag-boxing si Jinkee.

Napansin naman ng maraming mga netizens na mayroon din palang kakayahan ang kaniyang misis na magbitaw ng mga mabibigat na suntok. Sa kabilang banda, maraming mga netizens ang kinilig dahil sa pambihirang suporta ni Jinkee sa kaniyang mister lalo na sa mga ginagawa at sa mga hilig nito.

Tunay nga na sa kabila ng tagal ng kanilang naging pagsasama bilang mag-asawa ay mas lalo pa rin nilang pinagtitibayan ang relasyon nila sa isa’t-isa.




error: Content is protected !!