Boyfriend ni Pia Wurtzbach nagbahagi ng ilang mga larawan sa social media ng kanilang Greece Trip!



Si Pia Alonzo Wurtzbach, dati nating nakilala bilang si Pia Romero ay 30 taong gulang na Filipina-German model, isang aktres at isang matagumpay na beauty queen. Siya ay kinoronahan bilang Miss Universe 2015 at naging isa siya sa apat na mga Pilipinang nagbigay ng karangalan sa bansa sa prestihiyosong patimpalak na ito.



Nagwagi na rin siya noon bilang Binibining Pilipinas 2015. Hindi naging madali ang kaniyang mga naging karanasan bago niya makamit ang tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon.

Ngunit talaga namang hinangaan siya ng publiko dahil sa pambihira niyang determinasyon at pagsusumikap sa buhay. Sa ngayon, maliban sa matagumpay niyang karera ay talaga namang napakaganda rin ng kaniyang buhay pag-ibig.

Ang kaniyang nobyo sa ngayon ay walang iba kung hindi si Jeremy Jauncey na kilalang founder at CEO ng creative agency na “Beautiful Destinations”. Nagbahagi nga siya ng ilan sa mga sweet na larawan nila ni Pia habang nagbabakasyon sila sa Canaves Oia na isang luxury resort sa matatagpuan sa Santorini.




Ayon sa ilang mga ulat ay nagdiwang ng kaniyang ika-36 taong kaarawan si Jeremy kung kaya naman nagbahagi siya ng mensahe ng kaniyang pasasalamat sa kaniyang mga mahal sa buhay, kaibigan at mga tagasuporta. Maraming mga netizens ang nagsasabing bagay na bagay talaga sina Jeremy at Pia para sa isa’t-isa.


Si Jeremy ay nakabase sa Estados Unidos ngunit lumipad siya patungong London kamakailan lamang upang makasama ang nobyang si Pia na naroroon upang makasama ang kaniyang pamilya. Maliban sa hilig nilang magbiyahe sa maraming magagandang lugar sa buong mundo, pareho rin sila ng adbokasiya dahil sa silang dalawa ay ambassadors ng “World Wide Fund for Nature”.

 

View this post on Instagram

 

Santorini nights @canavesoia 🇬🇷

A post shared by Jeremy Jauncey (@jeremyjauncey) on

Tunay nga na napakapalad ni Pia dahil sa nakamit na niya ngayon ang tagumpay na pinakaaasam-asam niya noon pa man. At sa ngayon nga ay mayroon pa siyang nobyo na talaga namang mahal na mahal siya at mahal na mahal rin niya. Makakarinig na kaya tayo ng mga “wedding bells” sa susunod na mga buwan?




error: Content is protected !!