Isang tangke mula sa WWII nahukay sa Medellin makalipas ang 75 taon!



Maraming mga Pilipino ang hindi makapaniwalang mayroong nadiskubre at nahukay na tangke sa ilog ng Dagusungan sa Medellin, Cebu. Ang naturang army tank ay ang WWII US Army M5A1 Stuart Tank na ayon sa ilang mga ulat ay isang “light tank” na ginamit noon ng Estados Unidos at Allied Forces para sa pakikipaglaban sa gitna ng kagubatan noong panahon ng giyera.


Sinong mag-aakala na halos kalahati pa nito ang makikita mismo sa ating bansa? Ayon sa ilang mga datos, nasa 108 ang bilang ng mga Stuart light tanks ang naipadala noong Setyembre 1941 sa Pilipinas.




At nito lamang ngang Marso 7, 2020 ay nahukay ng ilang mga Cebuano mula sa Engineer Support Battalion, 53rd Engineer Brigade, at Philippine Army ang isa sa mga bahagi at saksi ng ating kasaysayan. Ang grupo ay pinangunahan nina Capt. Czar Guiterinf at Ssg Peter Louie Salvatierra.


Hindi alintana ang oras at ang dilim makuha lamang tangke na ito. Inabot ng pitong araw ang operasyon bago nila tuluyang maiahon ang tangke.


Halos 10 tao rin ang nagtulong-tulong para rito. Nauna na nang pinamunuan ni Battalion Commander LTC Ricardo Aycardo ang naturang operasyon noon pang Disyembre 2018.




Ang nahukay na tangke ay ilalagak sa isang ligtas na lugar kung saan maaari itong makita ng mga historyador, mga mag-aaral at iba pang mga taong interesado sa kasaysayan nito. Samantala napakaraming mga netizens ang nagpahayg ng kanilang komento at reaksyon sa naturang balita dahil hindi naman madalas nangyayari ang ganitong pagtuklas o pagdiskubre sa mga bagay na naging malaking bahagi ng ating kasaysayan.



Tunay nga na napakagandang balita nito lalo na sa mga taong nag-aaral ng ating kasaysayan at sa mga taong interesado dito. Dahil sa mga ganitong pagkakatuklas ay tiyak na magkakaroon pa ng mas maraming mga karagdagang kaalaman ang publiko patungkol sa mga nangyari noon at sa mga taong dapat nating pasalamatan dahil sa demokrasya at kalayaang tinatamasa natin sa ngayon.




error: Content is protected !!