Gintong barya na halos 1,100 taon nang nakabaon sa lupa, nadiskubre ng mga kabataan sa Israel!



Mas maraming mga tao sa ngayon ang hirap dahil sa kakulangan sa pinansyal at materyal na mga bagay. Lalo na sa pandemya ngayon na mayroong mga negosyo na napilitang magsara at mga manggagawang nawalan ng trabaho.



Kung kaya naman napakahalaga ang mayroon tayong ipon o nakatabing pera. Mahirap ang walang pera at walang pinagkakakitaan sa ngayon kung kaya naman tila ba napakalaking biyaya at pagpapala ang makakita ka ng pera sa daan o di kaya naman ay nakaipit na pera sa iyong pitaka.

Ngunit ano kaya ang gagawin mo kung gintong barya na mismo ang madiskubre mo? Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang natagpuang kayamanan ng mga kabataan na ito sa Israel na nakahukay ng mahigit sa 1,100 na mga baryang ginto!




Ayon sa naging pahayag ng Israel Antiquities Authority sa kanilang Facebook page, nagboluntaryo pala ang mga kabataang ito sa isang excavation site na gagawing pabahay. Sa ginawa nilang paghuhukay ay nakadiskubre sila ng halos 425 na piraso ng mga gold coins na nasa 1,100 taon na ang tanda.

Ayon naman sa excavation director na nakilala bilang si Liat Nadav-Ziv tila na binalak pang balikan ng may-ari ng mga gintong barya ang kaniyang tinatagong kayamanan dahil sa nakapako pa ang mga ito upang hindi maalis sa pwestong pinagbaunan sa mga ito. Ngunit hanggang sa ngayon ay lihim pa rin ang tunay na dahilan kung paanong hindi na muli pang nakuha ng may-ari ang tinago niyang mga ginto.

Ayon pa sa isa sa mga kabataan nakahukay ng kayamanan na si Oz Cohen ay hindi talaga nila inaasahang makakadiskubre sila ng ganitong kayamanan habang naghuhukay. Noong una nga ay inakala pa nilang dahon lamang ang mga ito ngunit nang malaman nilang ginto nga ang mga ito ay labis silang nagalak at nasabik.

Ayon naman sa ilang mga ulat, ang nahukay nilang mga gintong barya ay noon pang 9th century sa ilalim ng pamumuno ni Islamic Abbasid Caliphate na siyang namumuno noon sa Afghanistan at Algeria.




error: Content is protected !!