Matalik niyang kaibigan noon, kabit na ng tatay niya ngayon!



Sinong mag-aakala na mararanasan ng pamilyang ito ang isa sa pinakakumplikado at pinakamasakit na problemang maaari nilang kaharapin? Naging kabit kasi ng tatay ang matalik na kaibigan ng anak nito.

Talaga namang gumuho ang mundo ng ina at kaniyang ng mga anak dahil sa nangyaring ito. Dumulog sa Raffy Tulfo in Action ang mag-iina na nakilala bilang sina Mary Ann Lerio at Mary KL Lerio. Isinalaysay nila ang karumadal dumal na pangyayari kung saan nagkagustuhan ang ama ni Mary KL na si Arlan Lerio at matalik niyang kaibigan na si Jeaneth Salis nang minsang magkasama sila sa isang event ng kanilang church.


Dito na nakaramdam ng kakaiba si Mary KL dahil sa tila pagiging malapit ng kaniyang ama at ng kaniyang matalik na kaibigan sa isa’t-isa. Minsan pa nga ay nagtago siya sa likuran ng van kung saan nakasakay ang mga ito ay nahuli niya kasama ang siyam na taong gulang niyang kapatid ang milagrong ginagawa ni Arlan at Jeaneth.



Gumuho ang mundo ng dalaga at talagang hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya inakalang ang kaniya pang matalik na kaibigan ang magiging kabit ng kaniyang ama.


Sa ngayon ay dalawang buwang buntis na si Jeaneth kung kaya naman ninais na rin ni Mary KL at ng kaniyang ina na madaan sa legal na proseso ang kanilang problema. Nang maipahayag nila ito sa sikat na programa ni Idol Raffy ay napag-alaman nilang maaaring makasuhan si Arlan ng halos anim o higit pang patong-patong na kaso dahil sa mga batas na nalabag nito, gayundin naman ay maaaring maging kasabwat si Jeaneth sa mga kasong kinakaharap ni Arlan.

Dahil sa masakit na naranasan nina Mary KL at ng kaniyang ina ay umaasa silang mabibigyan ng hustisya ang ginawang kalapastanganan ninArlan at ni Jeaneth sa kanilang pamilya. Marami ding mga netizens ang nananalangin at umaasang malalagpasan ng mag-iina ang dagok na ito sa kanilang buhay kahit pa tuluyang nang mabulok sa kulungan ang kanilang “padre de pamilya”.




error: Content is protected !!