Melissa Ricks engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay!



Sa buhay hindi natin sigurado kung ano nga ba ang mangyayari sa ating kinabukasan. Ngunit napakasarap lang sa pakiramdam na kasama mo ang iyong pinakamamahal sa araw-araw gaano man kahirap ang mga pagsubok at suliranin sa buhay.


Hindi mo na kasi haharapin nang mag-isa ang buhay bagkus ay mayroon ka nang katuwang sa hirap man o sa ginhawa. Mapalad ang mga taong nakatagpo na ng taong makakasama nila sa habangbuhay.



Tulad na lamang ng aktres na si Melissa Ricks na sa ngayon ay engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay. Agosto 29, 2020 nang maglakas ng loob ang binata na yayain ng kasal si Melissa.


Naganap ito sa isang romantiko at espesyal na lugar sa Batangas. Ibinahagi ng Nice Print Photography ang ilang mga kuhang larawan sa napakagandang kaganapang ito.

Isa sa mga larawang ito ay makikitang suot suot ng aktres ang kaniyang engagement ring habang sa sumunod na larawan naman ay mayroong hawak hawak na bulaklak si Melissa yakap ang kaniyang minamahal na fiance. Hindi naging madali ang buhay ng aktres lalo na noong nabigo siya sa pag-ibig niya sa ama ng kaniyang limang taong anak na si Kierra na si Charles Togezaki na siang chef at isang negosyante.




Hindi biro ang maging isang “single mom” ngunit nagawang magtagumpay ni Melissa sa pagiging isang mapagmahal at responsableng ina sa kaniyang anak. Tunay nga na darating din talaga ang takdang panahon para sa iyo kung kailan maaari ka nang magmahal at sumayang muli ng taong wagas na nagmamahal sa iyo.


Si Melissa Marie Ricks o mas nakilala ng publiko bilang si Melissa Ricks ay 30 taong gulang na Filipino-American na aktres. Isa siya sa mga naging runner-up sa popular na reality search noon sa ABS-CBN na “Star Circle Quest”.

Siya ay anak nina Josie Ricks at Kelly Ricks, ang presidente at direktor ng S&R Philippines.




error: Content is protected !!