Dating PBB housemate na si Ylona Garcia nagtatrabaho ngayon bilang isang service crew sa Australia!



Maraming nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ngayon na kinakaharap ng iba’t-ibang bansa sa buong mundo. Kung kaya naman para sa mga Pilipino na mayroon pa ring trabaho hanggang sa ngayon ay napakalaking biyaya na nito.


Dahil sa mga trabaho nilang ito ay nagagawa pa rin nilang ito masuportahan ang kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit tila naging malaking balita para sa iilan ang pagpasok ng mga sikat na personalidad sa industriya ng show business sa ilang mga sikat na restaurant at fast food chain sa ibang bansa.


Tulad na lamang ng teen singer at dating PBB housemate na si Ylona Garcia. Ayon kasi sa ibinahagi niyang post sa social media ay kasalukuyan siyang nagtatrabaho nilang isang service crew ng McDonald’s sa Australia.

“Feel free to come and I’ll serve you.” Pahayag ni Ylona.

Tunay nga na nakakamanghang malaman na ang mga dating hinahangaan natin na artista ay hindi nahihiya o hindi natatakot na sumubok ng iba pang mga bagay maliban sa pag-arte, pagkanta at pagsayaw. Hindi madali ang maging isang service crew, waiter, at iba pang mga trabaho sa labas ng industriyang nakasanayan nila.



Talaga namang nakakamangha na patuloy silang nagsusumikap sa buhay at sumusubok ng mas maraming mga bagay kahit pa malayo ito sa kanilang “comfort zone” o sa mga bagay na kanilang nakasanayan na. Dahil sa balitang ito ay maraming mga netizens ang bumilib, nagkomento at nagpahayag ng kanilang mga reaksyon para kay Ylona at sa iba pang mga artistang hindi nagdalawang-isip na ibahagi sa publiko ang ganitong mga bagay.



Marahil para sa iilan ay simple lamang ito ngunit para sa kanila ay malaking pagbabago ito sa kanilang buhay. Marami din sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang talaga namang nagkaroon ng inspirasyon dahil sa kung kaya ito ng kanilang mga iniidolong artista ay tiyak na makakaya din nila ito.




error: Content is protected !!