Kasuotan ng mga Pilipina noon, talagang namang kahit sakong ay hindi mo matatanaw!



Sabi nga ng isang kasabihan mula kay “Heraclitus”, “There is nothing permanent except change.” Marahil ay maraming makapagpapatunay at sasang-ayon sa kasabihang ito na tanging pagbabago lamang talaga ang permanenteng bagay dito sa mundong ibabaw.



Sa paglipas ng ilang mga araw, buwan, taon at dekada ay napakarami nang naging pagbabago sa ating bansa, maging sa pamumuhay at paniniwala ng maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging post ng netizen na si Ricardo Natalio sa Facebook Page ng Nostalgia Philippines.


Tampok kasi sa kaniyang post ang mga sinaunang kasuotan ng mga Pilipina dati. Nilagyan niya ito ng caption na “Kasuotan ng mga Filipina noon.

Sabi nga ng mga matanda kahit sakong hindi mo masisilip.” Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko.


Ayon sa iilan, talagang nakakamangha ang angking kagandang ng mga Pilipina noon lalo na suot suot ang napakaganda nilang kasuotan. Ang kasuotan kasi ng mga Pilipina noon ay mas konserbatibo kaysa sa mga kasuotan sa ngayon.

Sadyang napakagaganda din ng mga disenyo ng mga “native dress” o mga “Filipiniana” na ito. Filipiniana ang pambansang kasuotan ng bansa. Napakaelegante at napakasopistikadang tingnan ng mga Pilipina noon.
Nakakalungkot lamang isipin na sa modernong panahon natin sa ngayon ay tila mas maraming mga kababaihan lalo na ang mga kabataan natin ang mas gustong magsuot ng mga maiiksi at mga maninipis na kasuotan. Tila ba hindi na nila alintana kung ano mang bahagi ng katawan nila ang makita ng ibang tao.



Sadyang hindi lamang talaga mapigilan ng ibang tao ang mangulila sa mga kultura at tradisyong nakasanayan na natin noon. Ngunit dahil na rin nga sa paglipas ng panahon at sa maraming mga pagbabaging naganap ay unti-unti na ring nakalimutan ng marami ang kahalagahan ng mga bagay na ito.

Ikaw, hindi mo ba namimiss ang mga bagay na nakasanayan natin noon bilang mga Pilipino?




error: Content is protected !!