Mga “Chinese blue and white dish” natagpuang nakalubog sa isang isla sa Palawan!



Marahil dahil sa modernisasyon at modernong teknolohiya sa ngayon ay mas marami na ring nadidiskubre ang mga tao. Maraming mga bagay, lugar at kaalaman ang talaga namang mas nabibigyan ng pagkakataong maisiwalat.



Isa na sa mga ito ang natagpuang mga pinggan at mangkok sa Lena Shoal sa hilagang-kanluran ng Busuanga Island, northern Palawan na naging laman ng mga balita kamakailan lamang. Ayon sa ilang mga ulat, ang mga “Chinese blue and white dish” na itinuturing na ngayong National Cultural Treasure (NCT) ay mayroong mga disenyo ng lumilipad na elepante sa gitnang bahagi.

Maraming mga netizens ang nagkomento sa naging post ng “National Museum of the Philippines” na nagdulot ng maraming mga katanungan at pag-aalala sa publiko. Sa ngayon ay dalawa pa lamang sa mga ito na napag-alamangmayroong “flying elephant” na disenyo.




Ang mga disenyong elepante na ito ay mayroong representasyon pagdating sa usaping relihiyon. Sinakyan kasi ito noong unang panahon ni Samantabhadra na kilala bilang ang “Bodhisattva of universal benevolence” sa Tibethan Buddhism ayon na rin sa naging paliwanag ng “National Museum of the Philippines”.


Ang isa sa mga ito ay natagpuan pa sa Jingdezhen, Jiangxi Province sa China. Hindi na nga napigilan pa ng ilang mga Pilipino ang magkomento patungkol dito.

Ayon sa ilan sa kanila ay tiyak na magkakaroon na naman ng dahilan ang mga Tsino upang angkinin ang islang pagmamay-ari natin. Dahil din dito ay maraming mga tao ang natatakot sa kanilang kaligtasan gayundin ang kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Marahil ay isa talagang napakagandang balita ng pagkakadiskubre ng mga bagay na ito sa ilang mga ahensiya ng pamahalaan at sa ilang mga organisasyon ngunit hindi rin naman natin maiaalis sa publiko ang matakot at mag-aalala lalo na dahil na rin sa mga balitang kumakalat ngayon sa social media, telebisyon at maging sa mga radyo.




error: Content is protected !!