Mga sikat na artista at mga larawan nila habang tulog, silipin!



Marahil ay nadinig mo na rin ang mga katagang “Woke up like this!” Madalas kasi itong sinasabi o ginagamit ng mga taong tila ba gandang ganda sa kanilang sarili dahil sa kahit kakagising pa lamang nila, wala pa silang ginagawang pag-aayos ay mapapansin mo na kaagad ang angking kagandahang taglay nila pagmulat pa lamang ng kanilang mga mata.

Ngunit paano naman kaya kapag tulog? Siguro marami sa atin ang natutulog ng nakanganga, tumutulo ang laway o di kaya naman ay hindi talaga kanais-nais ang hitsura. Madalas nga ay kinukuhanan pa tayo ng larawan ng mga kaibigan o mga kaklase natin kapag nahuhuli nila tayo sa ganitong sitwasyon.

Ngunit tila kabaligtaran yata ng mga ito ang napakagandang mga larawan ng mga sikat na artistang ito na kahit sa pagtulog ay talaga namang hahangaan at iidoluhin mo. Narito ang ilan sa kanila:

JM DE GUZMAN


Si Juan Miguel Gob de Guzman o mas nakilala ng publiko bilang si JM De Guzman ay 31 taong gulang na aktor, mixed martial artist, modelo at singer. Isa siya sa pinakahinahangaang aktor sa telebisyon ngayon kung kaya naman sa sobrang abala niya sa kaniyang trabaho ay hindi na nito napigilan pa ang kaniyang antok sa isa sa mga taping na kaniyang ginawa sa programa ng ABS-CBN na ang “Pamilya Ko”.



VICE GANDA



Si Jose Marie Borja Viceral o si Vice Ganda ay 44 taong gulang na comedian, talk show host, television presenter, aktor, at singer. Mayroon siyang isang kuhang larawan kung saan nakatulog siya sa sobrang pagod sa programang “It’s Showtime”. Isa siya sa pinakasikat at pinakamatagumpay na artista sa ngayon. Hindi lamang ang kaniyang karera ang namumulaklak sa ngayon kundi maging ang kaniyang buhay pag-ibig dahil sa nobyo niyang si Ion Perez.

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA


Isa sa pinakasikat na tambalan sa ngayon. Magkasintahan din ang dalawa sa tunay na buhay. Mayroon silang larawan kung saan makikitang magkahawak pa sila ng mga kamay habang sila ay namamahinga at natutulog. Marami sa kanilang mga tagahanga ang labis na kinilig dahil sa sweetness ng dalawa.

LIZA SOBERANO


Sino ba naman ang hindi nakakilala kay Liza Soberano? Tila ba isa siyang anghel na bumaba mula sa kalangitan. Napakaamo kasi ng kaniyang mukha at sadyang nakakamangha talaga ang angkin niyang kagandahan. Napakahusay din niyang gumanap sa mga pelikula at mga programa sa telebisyon. Sa sobrang busy ay talaga namang nakatulog na ito sa sobrang pagod. Pero kahit pagod ay napakaganda pa rin ni Liza!

SARAH GERONIMO


Ang 32 taong gulang naman na si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli ay isang kilalang singer, mananayaw, aktres at record producer. Total perfomer nga talaga kung ilarawan ng publiko ang “Popstar Princess”. Napakaganda din niya kung matulog, hindi nakapagtatakang




error: Content is protected !!