Dalawang transwoman na naging mga “flight attendant” ng Cebu Pacific, kilalanin!



Pamamasyal o pagbiyahe ang isa mga interes o libangan ng mga tao sa ngayon. Talaga namang kakaiba ang sayang nadarama nila lalo na kung magkakaroon sila ng pagkakataong makita at maranasan ang angking kagandahan ng isang lugar o destinasyon.


Ngunit bago ka pa man makapunta sa pangarap mong destinasyon ay sasakay ka muna ng eroplano at mararanasan mo ang serbisyo ng mga airline companies at mga flight attendants na siyang tutulong sa iyo na maging maayos ang iyong paglalakbay. Ngunit lingid sa nakasanayan ng marami na lalaki at babae lamang ang maaaring maging flight attendant, mayroon na rin pala tayong mga flight attendant na “transwoman”.



Ito ay sina Mikee Vitug at Jess Labares. Sila ang naging kauna-unahang mga transwoman flight attendants ng Cebu Pacific.

Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing transwoman sila dahil sa hitsura at tindig nila. Talaga namang nagbigay sila ng napakagandang inspirasyon para sa mga taong nangangarap at nagnanais na maging isa ring flight attendant.




Hindi biro ang kanilang pinagdaanan ngunit tunay nga na ang lahat ay may katapusan at tinatamasa na nila sa ngayon ang bunga ng kanilang pagsasakripisyo at pagsusumikap. Ayon sa ilang mga ulat ay hindi talaga ito inakala ni Mikee na mangyayari pa dahil sa alam naman niyang hindi ito pinapayagan sa ating bansa.

Ngunit nang mabigyan siya ng pagkakataon at dahil na rin sa pag-uudyok sa kaniya ng kaniyang partner ay nangyari na nga ang inakala niyang hanggang sa pangarap na lamang niya. Para sa kaniya, pagiging positibo, dedikasyon at pagtitiyaga ang naging susi upang makamtan niya ang tagumpay at kaligayahang ninanais niya sa buhay.


Sinong mag-aakala na ang napakaimposible na pangarap mo noon ay matutupad pa rin pala sa paglipas ng maraming mga taon sa panahong hindi mo lubos akalain? Kung kaya naman huwag kang mangamba, huwag kang mabahala at darating din ang takdang panahon na inilaan ng Diyos para sa iyo, sa iyong pangarap, tagumpay at kaligayahan.




error: Content is protected !!