Isang reporter, nilusong ang baha para lamang makapag-ulat!



Ikinagulat at ikinabahala ng publiko ang pangyayaring ito dahil sa lumusong talaga sa baha ang isang reporter mula sa Pakistan para lamang makapag-ulat ng kasalukuyang pangyayari sa lugar na ito na tila ba sinalanta ng matinding sakuna. Ayon kasi sa ibinahaging larawan ng GTV News, hindi alintana ng reporter na ito ang panganib na maaaring maidulot ng paglusong niya sa tubig na halos hanggang leeg na niya.



Ulo na lamang niya ang nakikita at ang hawak niyang mikropono. Talaga namang napukaw niya ang atensyon ng publiko dahil sa ginawa niyang ito.

Ang naturang reporter ay nakilala bilang si Azadar Hussain. Ayon sa kaniyang naging pahayag ay ginawa niya ito upang maipakita sa publiko ang tunay na sitwasyon o pangyayari sa lugar.

Nais niya maisapubliko ang hirap na dinaranas ng mga taong naninirahan sa lugar na ito. Sa panahon natin ngayon ay marami na ngang mga bagay ang hindi natin alam kung totoo bang nangyayari o hindi.




Kung kaya naman napakalaking tulong talaga para sa atin ang mga matatapat na journalist, reporter, at iba pang mga taong bahagi ng media na siyang nagbibigay sa atin ng mga tunay at totoong balita na nagaganap sa ating paligid. Ayon sa ilang mga ulat, si Hussain ay isa sa mga journalist na nakabase sa Kot Chutta, Pakistan.

Malaking bahagi ng lugar na ito ang lubog ngayon sa baha dahil sa walang tigil na ulan. Ayon sa naging ulat ni Hussain ay ang umaapaw na tubig sa Indus river ang dahilan kung kaya naman tuluyan nang lumubog sa tubig ang malaking bahagi ng lugar na ito.

Nakapanayam niya din ang ilang mga residente dito na nagsasabing wala silang natanggap na tulong mula sa gobyerno. Kung kaya naman talagang nakakapanlumo ang sitwasyon ng mga taong naninirahan dito.

Nais nilang umapila sa mga kinauukulan upang matugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa panahon ngayon na hirap sila at lubog sa tubig baha.




error: Content is protected !!