Sikat na vlogger na si Lloyd Cadena, pumanaw na sa edad na 26-anyos!



Napakaraming mga Pilipino sa ngayon ang nahihilig sa panunuod ng mga vlogs ng mga sikat na artista, maimpluwensiyang personalidad at mga kilalang vloggers sa Pilipinas. Talaga namang nakakadagdag ng sigla at kaligayahan ang panunuod ng mga vlogs na ito kung saan marami kang malalaman tungkol sa mga interes at sa kinahihiligan ng mga kilalang personalidad na matagal na nating hinahangaan.

Kung marami sa kanila ang nagbibigay ng inspirasyon at karagdagang kaalaman para sa publiko mayroon din namang nagbabahagi ng mga nakakatuwang vlogs na tila ba nakakawala ng stress sa araw-araw. Marahil marami sa atin ngayon ang nanunuod na lamang ng mga ganitong klaseng vlogs lalo na kapag lugmok na lugmok na tayo sa kalungkutan sa dami ng mga nagaganap sa ating kapaligiran.

Nito lamang ika-4 ng Setyembre ay ginulat ng sikat na vlogger na si Lloyd Cadena ang maraming mga Pilipino dahil sa biglaan niyang pagpanaw. Nagbahagi kasi ng isang inanunsiyo mula sa kaniyang Facebook page na nagpapahayag ng biglaang pagpanaw ni Lloyd Cafe Cadena.




Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring konkretong dahilan kung paano at bakit nga ba nawala ng biglaan si Lloyd. Humihingi rin ng pang-unawa at dalangin ang kaniyang mga mahal sa buhay dahil sa masakit na pangyayaring ito.


Ayon sa ilang mga naunang ulat, taong 2011 nang magsimula sa kaniyang YouTube channel si Lloyd kung saan ilan sa mga tampok niyang video ay “unboxing”, pagluluto at mga “challenge videos”. Ang kaniyang kaibahan sa iba pang mga vloggers ay ang pagiging tunay at sinsero ng kaniyang pagpapatawa sa kaniyang mga tagasubaybay.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon na siyang higit sa 5.29 milyong subscribers sa YouTube habang nasa mahigit 6.5 milyong subscribers naman ang sa kaniyang Facebook. Maraming mga netizens at sikat na personalidad din ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng namayapang si Lloyd.

Tunay nga na walang katumbas na ano mang materyal na bagay ang kaligayahan, at inspirasyong naidulot niya sa publiko.




error: Content is protected !!