Silipin ang house tour ni Maja Salvador at ang yayamanin na regalo sa kaniyang ng kaniyang nobyo!



Si Maja Salvador o si Maja Ross Andre Salvador SA tunay na buhay ay 31 taong gulang na aktres, singer, dancer, host at producer. Isa siya sa pinakasikat at pinakahinahangaang artista sa telebisyon sa ngayon.

Hindi lamang siya mahusay sa pag-arte ngunit isa rin siyang “total performer” sa entablado. Marami na siyang nakamit na mga pagkilala at parangal dahil sa pambihirang pagganap niya sa kaniyang mga proyekto sa pelikula at telebisyon.



Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng nakakamanghang video ng kaniyang house tour. Dito ay mas nakilala at mas hinangaan pa siya ng maraming mga tao.



Ayon sa aktres, ang Casa Andres ay mula sa kaniyang pagsusumikap sa kaniyang trabaho. Nangungupahan lamang sila noon ng kaniyang pamilya dahil wala silang sariling bahay at lupa.


Kung kaya naman ng mabigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng isang commercial ay agad niya itong tinanggap. Dahil nga sa kaniyang “RC Cola” commercial ay nabili niya at naipatayo ang kanilang sariling tahanan.


Masayang-masaya si Maja na makatulong at makasuporta sa kaniyang pamilya. Bilang pasimula sa kaniyang house tour ay pinagbuksan niya ng pinto ang publiko at ipinasilip kung anong mga bagay ang ginagawa nila sa labas at loob ng kanilang tahanan upang makapag-ingat lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.

Hindi mawawala ang mga kagamitan at iba pang mga bagay na tulad ng alc0hol, sanitizer, at thermal scanner sa kanilang tahanan. Ipinasilip din ng aktres ang isa sa pinakapaborito niyang lugar sa kanilang tahanan, ang kanilang living area.

“High ceiling” kasi ito kung kaya naman talagang nakakapagrelaks at nakakapahinga siya ng husto rito. Makikita rin dito ang kaniyang mga awards na nakamit bilang isang “Best Actress” at iba pang mga karangalan.

Dito rin matatagpuan ang isa sa mga art work ni John Lloyd Cruz na ipinagmalaki rin ni Maja. Ipinasilip rin niya ang napakaganda at napakaaliwalas nilang dining area at kusina.

Mayroon din silang “lounge” na request mismo ng kaniyang daddy Roy. Siyempre ikinagulat ng publiko ang napakagandang regalo sa kaniya ng nobyo niyang si Rambo Nunez. Isang “sauna” kasi ang niregalo nito kay Maja na kasya ang tatlo katao. Makikita ito sa kanilang “lanai” na ginawa muna niyang “gym”.




error: Content is protected !!