Magkasintahan nakapagpagawa ng isang “tiny house” sa halagang Php280,000 lamang!



Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang walang sariling bahay at lupa kung kaya naman nagsusumikap tayong magtrabaho at makapag-ipon upang makabili ng lupa at makapagpagawa na ng bahay na matagal na nating pinapangarap. Hindi lamang kasi ito personal na pangarap para sa atin dahil sa malaking bagay din ito para sa kinabukasan ng ating mga anak.

Hindi madali ang pagpupundar ng sarili nating tahanan ngunit nagsusumikap tayong maisakatuparan ito. Kamakailan lamang ay nagbigay inpirasyon sa publiko ang magkasintahang ito dahil sa halagang Php280,000 ay nakapagpagawa na sila ng kanilang “tiny house” o “office”.


Ang magkasintahang ito ay nakilala bilang sina AB Magtulis at Hazel Garcia. Nasa 6 sqm lamang ang floor area ng kaniyang tirahan ngunit nagawa nilang magamit ang bawat sukat at bawat espasyo ng kanilang bahay.



Sa unang palapag ng kanilang bahay ay bubungad agad ang kanilang “working stations” dahil sa pareho silang “work from home” ang set-up. Katapat naman nito ang kanilang “mini sala” na pinasadya din nila. Ang kanilang mini sofa ay maaari ding paglagyan ng mga gamit o di kaya naman ay damit sa loob.


Mayroon din silang maliit na espasyo para sa kanilang music corner. Mayroon silang “space saver” na cabinet malapit sa kanilang lamesa. Habang kulay kayumanggi naman ang tema ng kanilang palikuran.

Nagsilbi ring accent sa kanilang tahanan ang kulay dilaw nilang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng kanilang tiny house. Dito rin matatagpuan ang kanilang tulugan.

Marami ding “lock” ang kanilang pintuan para sa kanilang siguridad. Dagdag pa rito ay mayroon pa silang “alarm” sa kanilang pintuan.

Simple ngunit talaga namang napakaganda ng kanilang tahanan na halata namang pinag-isipang mabuti ang pagkakagawa at bawat detalye nito. Kapansin-pansin din ang LGBT rainbow flag sa kanilang bubungan, nagsisilbi itong pagsuporta ng magkasintahan sa LGBT community.

Proud at grateful ang magkasintahan dahil sa tagumpay na ito na kanilang tinatamasa sa ngayon.




error: Content is protected !!