Domestic helper sa HongKong nagsauli ng sobrang sweldong natanggap niya sa kaniyang amo na nagkakahalaga ng HK$1,000 (Php6,300)!



Isang kasambahay sa HongKong ang angnagsauli ng HK$1,000 o Php6,300 sa kaniyang amo dahil sa sobra ito ng bigay sa kaniya ng kaniyang sweldo. Bagamat hindi malinaw kung sinusubukan lamang ng kaniyang amo ang kaniyang katapatan o talagang nagkamali lamang ang kaniyang amo sa pagbibigay sa kaniya ng sobrang sweldo.



Samantala marami namang mga netizens ang labis na humanga sa kaniyang naging katapatan. Ang nakakabilib na domestic helper na ito ay walang ibang kung hindi si Jybhel Marie Oribio na kumikita ng HK$4,520 o katumbas ng Php28,200 sa loob ng isang buwan.

“Nakita ko po kasi na parang napadami yung inabot niya sa akin, kasi siya po ang nagbilang habang nasa kusina ako at naghuhugas ng pinggan,” Pahayag ni Jybhel.

Maaari na sanang itabi ito ng sa 34-anyos na single mom para sa kaniyang personal na pangangailangan o di kaya naman ay para sa kaniyang pamilya sa Pilipinas ngunit mas minabuti niyang ibalik ito sa kaniyang amo.



“Sabi ko po kay Ma’am, ‘Thank you po, Ma’am, pero ibabalik ko po yung perang binigay nyo kasi sobra po, hindi po ito ang eksaktong sahod ko,’” Pagbabahagi pa niya.


Nasorpresa naman ang kaniyang amo sa kaniyang ginawa, kwento pa ng Pinay ay sinundan pa siya ng kaniyang amo sa silid nito upang magpasalamat. Matapos niyang ibahagi ang naging karanasan niyang ito ay maraming mga netizens ang pumuri sa kaniya dahil sa hindi biro ang magsauli ng pera gaano man ito kaliit at kalaki lalo na sa panahon natin ngayon na marami sa atin ang kailangang kailangan talaga ng pera para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Masayang masaya naman si Jybhel dahil sa wakas ay nakatagpo rin siya ng mabait at totoong amo. Nagsusumikap siya sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa upang makatulong sa kaniyang pamilya at upang masuportahan ang kaniyang 16 na taong gulang na anak.




error: Content is protected !!