Isang aroganteng lalaki hindi umubra ang yabang sa magandang netizen na ito kahit ibinandera pang may pera at sasakyan siya!



Pagdating sa panliligaw noon at ngayon, tiyak na maraming maipagmamalaki ang ating mga lolo at lola. Noon kasi napakakonserbatibo ng mga tao, hindi mo maaaring mahawakan ang kamay ng iyong iniibig dahil sa nangangahulugan itong kailangan niyo nang magpakasal.



Usong-uso rin dati ang pag-akyat ng ligaw ng mga kalalakihan sa sinisinta nilang mga kababaihan. Sa bahay mismo ng babae umaakyat ng ligaw ang mga kalalakihang nais makuha ang kaniyang puso at ang kaniyang loob.

Ngunit ngayon tila ba nakakalungkot malaman na unti-unti nang naglalaho ang mga kultura at tradisyong ito. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging karanasan ng isang netizen na ito mula sa mayabang na lalaking ito.




Ang magandang netizen ay nakilala bilang si Rhea Retiza. Siya mismo ang nagbahagi ng mga screenshot ng naging pag-uusap nila ng isang aroganteng lalaking nagngangalang Jack.

Ang lalaki ang unang nagmensahe kay Rhea at sinabi nitong tatawag siya sa kaniya. Sinagot naman ito ng magalang ni Rhea at sinabing kasalukuyan siyang nagtatrabaho ng mga oras na iyon. Agad namang sumagot si Jack at sinabing nais niyang yayain na lumabas ang dalaga kahit road trip lang.

Nilinaw nitong wala siyang masamang intension sa kaniya. Humingi ng pasensiya si Rhea at sinabi nitong wala siyang oras para makipag-date o kahit mag-roadtrip pa.

Sumagot si Jack at sinabing “Bakit sino ka ba?” sabay ipinagmalaki nitong mayroon siyang sasakyan at pera kung kaya naman hindi dapat mag-alala si Rhea dahil hindi niya kailangang gumastos. Dito na nagsalita si Rhea at sinabing hindi siya makukuha nang lalaking ito kahit pa magmalaki itong may sasakyan at pera siya.

Ang mga sumunod na pahayag ni Rhea at talaga namang tamang tama lamang sa mga mayayabang na lalaking katulad niya na tila ba walang respeto at paggalang sa mga kababaihan. Hindi maganda ang ganitong pag-uugali lalaki man o babae.

Kung kaya naman sana ay mas maging responsible tayo at maging leksyon ang naranasang ito ni Rhea para sa maraming mga kababaihan.




error: Content is protected !!