Miss Universe 2018 Catriona Gray ipinagmalaki ang mga produkto ng Pila, Laguna na gawa sa water lily!



Si Catriona Elisa Magnayon Gray o mas nakilala sa buong mundo bilang si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay isang 26 na taong gulang na Filipino-Australian model, singer, at beauty pageant titleholder. Naiuwi niyang muli ang korona ng Miss Universe noong 2018 ay nagdala ng karangalan sa ating bansa.



Siya ang ikaapat na Pilipinang nanalo sa prestihiyosong kompetisyon na ito. Ilan pa sa mga naiuwi niyang karangalan ay ang “Miss Universe Philippines 2018” at “Miss World Philippines 2016”.

Lingid sa kaalaman ng marami ay isa pala siyang “black belter”! Naging isang lead singer din siya noon sa kanilang jazz band sa eskwelahan at bumida sa local production ng Miss Saigon.



Sa murang edad na limang taong gulang ay nagwagi na rin siya noon sa “Little Miss Philippines” sa Sydney. Nito lamang Mayo 2020 ay ibinahagi nila ni Sam Milby sa publiko ang kanilang tunay na relasyon bilang magkasintahan.



Kamakailan lamang ay nagbahagi ng ilang mga larawan si Catriona sa kaniyang social media account kung saan makikita ang napakaraming mga water lily na nakapaligid sa kaniya. Ilang mga produkto din mula sa Pila, Laguna na gawa sa water lily ang itinampok niya sa kaniyang mga posts.

Tunay nga na hindi lamang maganda, at talentado si Catriona dahil sa mayroon din siyang mabuting kalooban upang tulungan ang probinsiya ng Laguna na mas makilala pa ang kanilang mga produkto. Hindi naging madali ang mga pagsubok na kinakaharap ng ating ekonomiya at turismo sa ngayon ngunit talaga namang nagsusumikap ang bawat isa na matulungan ang isa’t-isa.

Umani naman ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko ang ginawang ito ni Catriona dahil sa hindi naman lahat ng sikat na personalidad ay magnanais na makatulong sa ekonomiya ng ating bansa o ng isang partikular na probinsiya. Marami ang umaasa na dahil sa ginawa niyang ito ay mas marami pa ang tatangkilik sa mga produktong gawang Pinoy kaysa sa mga mamahaling produktong gawa ng mga dayuhan.




error: Content is protected !!