Xian Gaza nahuling nilalandi ang asawa ni Buboy Villar, umani ng negatibong komento mula sa publiko!



Hindi na nga napigilan ng maraming mga netizens ang magkomento ng negatibo sa ginawang ito ni Xian Gaza sa misis ng aktor na si Buboy Villar. Halata kasing sinubukan nitong landiin si Angilyn Gores.



Maaalalang gumawa na ng ingay noon si Xian dahil sa pagyayaya niya ng coffee date kay Erich Gonzales sa pamamagitan ng pagpapalagay ng kaniyang imbitasyon sa isang billboard sa Morayta. Makalipas nito ay binansagan na rin siyang “Pambansang Scammer” ng maraming mga Pilipino.

Si Xian pa mismo ang nagbahagi ng ilang screenshot ng kanilang naging conversation ni Angilyn. Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Breaking News: “Social Media Hokage Xian Gaza, Niland1 Ang Asawa Ng Isang Aktor… Soplak!!!”




Kapansin-pansin na siya ang unang nag-mensahe sa misis ni Buboy at tinatanong kung bagay daw ba sa kaniya ang suot niyang cap at damit. Pumayag naman si Angilyn at sinabing okay lang ang kaniyang suot.
Mayroon din namang ipinadalang larawan si Angilyn kay Xian kung saan kitang-kitang ang mister niyang si Buboy na naka-middle finger pose. Talaga namang galit na galit ang maraming mga netizens sa tila ba lantarang pambabastos ni Xian kay Buboy.

Hindi na bago sa publiko ang katotohanang masayang masaya at kuntento si Buboy at ang kaniyang misis sa buhay nila ngayon lalo na sa lumalaki nilang pamilya. Kung kaya naman hindi talaga magandang ipinagmamalaki at ipinangangalandakan pa ni Xian ang ginagawa niyang ito na maaaring makasira o magdulot ng lamat sa isang masayang relasyon.

Maraming mga ulat sa ngayon ang tila ba nagsasabing isa siyang scammer at maaring ang mga sinasabi o ipinapahayag niya sa social media patungkol sa kaniyang mga kayamanan ay maaaring walang katotohanan. Ngunit ano man ang totoo patungkol sa kaniyang mag ari-arian, hindi pa rin talaga tama ang ginawa niyang ito kay Buboy at sa kaniyang misis na si Angilyn.




error: Content is protected !!