Grab driver na gumamit ng locator app: “Sir, tama po ba ang pin location n’yo? Malulunod na po kase ako.”



Marami nang bagong gadgets, modernong teknolohiya at pamamaraan ang nagpapagaan ng buhay natin sa ngayon. Kung dati-rati ay nahihirapan tayong makipag-usap sa mga mahal natin sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa, sa ngayon ay mas naging madali at posible na ito dahil sa “internet connection” at modernong mga gadgets na mayroon tayo.


Noon ay wala rin tayong ibang magagawa kundi ang lumabas ng ating mga tahanan lalo na kung mayroon tayong kailangang bilhin na pagkain, kasangkapan o kagamitan sa bahay. Ngunit ngayon ay marami nang mga bagay na maaaring ipadala o ipa-deliver sa labas mismo ng ating mga pintuan.




Kamakailan lamang ay mayroong isang Grab driver na naging usap-usapan sa social media dahil sa nakakatuwang larawan nito. Sa viral na larawan kasi ay makikitang tila nasa gitna siya ng dagat dahil sa malawak na kapaligiran at halos hanggang baywang na tubig. Mayroon ding hawak na cellphone ang Grab driver at nakasuot din siya ng helmet.

Tipikal na hitsura ng isang rider o driver sa ngayon. Mayroong caption ang viral na larawan na nagsasabing “Sir tama po ba ang pin location nyo? Malulunod na po kasi ako.”



Sinong mag-aakala na makakatanggap ang post na ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko? Hindi biro ang hirap at sakripisyo ng mga taong nagtatrabaho sa ngayon lalo na sa gitna ng pandemya.


Kung kaya naman dapat lamang na pasalamatan natin sila at irespeto. Nagdulot ito ng good vibes sa publiko. Ilan sa mga komento nila ay ang sumusunod:

“Good job on this! Lakas maka-good vibes. Salute lodi” Pahayag ni Jherwynne Javier.

“Dito ako sa medyo malalim langoy ka na lang ,dito kasi submarine namin,” pahayag pa ng isang netizen.

Tunay ngang marami ang nagalak at bahagyang nakalimot sa mahihirap na pinagdaraanan natin sa ngayon. Salamat na lamang sa post na ito ni Vernie Nifled.




error: Content is protected !!