Kakai Bautista ibinahagi sa publiko ang mga bahay na narentahan nila dati at ang naipundar niyang “dream house” sa ngayon!



Ilang mga buwan na rin ang nakalilipas mula nang maranasan natin ang pandemyang COVID-19 sa Pilipinas. Hindi madali ang ating mga pinagdaanan at pinagdaraanan pa ngunit patuloy tayong lumalaban sa mga hamon ng buhay.

Dahil sa hindi na rin masyadong mahigpit sa ngayon ay marami sa ating mga kababayan ang umuuwi o di kaya naman ay dumadalaw na sa kanilang mga pamilya. Tulad na lamang halimbawa ng aktres at komedyanteng ito na si Kakai Bautista na dumalaw sa kaniyang pamilya sa Laguna.

Ibinahagi niya sa kaniyang vlog ang nirerentahan nilang bahay ng kaniyang pamilya sa Pacita Complex. Naroon ang kaniyang mga magulang, ang kaniyang alagang aso at iba pang miyembro ng kaniyang pamilya.

Talaga namang nakagawian na ng pamilyang Pilipino na maghanda ng mga pagkain kahit simple lamang basta mayroong dumating na bisita, kamag-anak o kapamilya. Pinaghanda kasi sila ng kaniyang ina ng isda, soup, paella at ang espesyal na putaheng pakway na madalas lutuin ng kaniyang ina na mayroon pang sahog na hipon.




Gayundin naman ay malapit sa kanilang nirerentahang bahay ang kinalakihan niyang tirahan kasama ang kaniyang lola at lolong bulag. Naikwento din ni Kakai na mayroong nakabili ng bahay at lupa na ito kung kaya naman napalayas sila sa bahay na ito.


Ngunit plano niya rin itong bilhin kapag nakaipon na siyang muli. Sa ngayon kasi ay hindi pa tapos ang pinapatayo niyang bahay kung saan sila titira ng kaniyang pamilya. Wala itong mga gamit at kailangan pang matapos ang kabuuan ngunit masaya niyang ibinahagi na mula ito sa kaniyang pagsusumikap sa kaniyang trabaho.

“JB house” pa nga ang tawag niya ito dahil bunga ito ng isa sa mga naging komersyal niya sa isang sikat na fast-food chain kasama ang isa pa sa mga batikang komedyante na si Eugene Domingo. Pinayuhan din ni Kakai ang publiko na walang masamang mangarap, kahit pa nga inabot siya ng 20 taon upang makamit ang pinapangarap niyang bahay at patuloy pa niyang babayaran ang kabuuang halaga nito ay napakasarap pa rin sa pakiramdam dahil sa unti-unti nang nabibigyang liwanag ang pangarap niyang bahay at lupa para sa kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!