Kakai Bautista, inabot ng 20 taon bago maipatayo ang pangarap niyang bahay!



Halos lahat naman sa atin nangangarap magkaroon ng sarili nating bahay at lupa. Hindi kasi lahat ng pamilyang Pilipino ay mayroong kakayahan na makabili agad ng bahay lalo na sa panahon ngayon na taon-taon tumataas ang presyo nito kasabay ng ilan pang mga pangunahing bilihin sa bansa.


Kung kaya naman napakalaking tagumpay talaga kapag mayroong isang taong nakapagpagawa ng pangarap niyang bahay para sa kaniyang sarili lalo na para sa kaniyang pamilya. Kamakailan nga lamang ay naging inspirasyon sa publiko ang talentado at sikat na komedyanteng si Kakai Bautista.

Si Kakai Bautista ay 42 taong gulang na aktres, host, singer at kilalang komedyante. Talaga namang hinahangaan siya sa industriya ng show business noon pa man.
Dahil sa pambihirang sipag, tiyaga at determinasyon niya ay nakapagpundar na siya ngayon ng kaniyang “dream house”. Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post kung gaano siya nagpapasalamat sa biyayang ito sa kaniyang buhay.

Makalipas kasi ang 20 taon o halos dalawang dekada ay nakamit na niya ang kaniyang pinapangarap.



“At naniniwala ako na makakalipat din ang pamilya ko dito. Si Lord ang bahala dahil siya ang gagawa ng paraan para matupad ‘yun. Dahil napakarami na niyang tinupad sa mga pangarap ko.” Pahayag ni Kakai.


“Di pa ito tapos dahil nagloan ako sa bank. Sugod lang, para sa pangarap kasi alam kong pagtatrabahuhan ko ito at pagsisikapan,” dagdag pa niya.

“Gusto kong malaman niyo na napakaraming beses na kami napalayas sa mga narentahan namin. Dumating sa point na akala ko sa kalye na kami titira. Pero napakabuti ni Lord. 2 dekada akong nangarap para sa pamilya ko. Wag nating isipin na ang kahirapan na nararanasan natin ay parusa kung di blessing na magpapatibay sa atin at sa ating faith,” payo ni Kakai para sa mga katulad niyang nangangarap magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Tunay nga na sa taong masipag at determinado, walang mahirap o imposibleng bagay na hindi niya kayang mapagtagumpayan.




error: Content is protected !!