Makalipas umani ng kritisismo, Lyca Gairanod ipapayos na ang lumang bahay ng kaniyang lola!



Si Lyca Gairanod o si Lyca Jane Epe Gairanod sa tunay na buhay ay 15 taong gulang na mang-aawit at aktres sa telebisyon. Siya ang unang tinanghal na grand winner ng “The Voice Kids Philippines”.

Talaga namang maraming mga Pilipino ang humanga sa pambihira niyang talento sa pag-awit. Sa murang edad ay nagkaroon na siya maraming mga proyekto kung saan niya naipamamalas ang kaniyang ang talento.



Bagamat hindi natin siya nakita o napanuod sa telebisyon ng ilang taon, nagbabalik naman siya sa pamamagitan ng kaniyang YouTube Channel. Dito niya ibinabahagi ang mga bagong kaganapan sa kaniyang buhay.

Isa nga sa kaniyang mga viral video ay ang pagpasyal niya sa dati nilang tahanan kung saan ngayon nakatira ang kaniyang lola. Umani ng batikos mula sa publiko si Lyca dahil hindi man lamang nito maipagawa ang bahay ng kaniyang lola sa Tanza, Cavite.




Ang bahay na ito ang dating tirahan nina Lyca at ng kaniyang pamilya noong hikahos pa sila sa buhay. Ang kaniyang lola din ang nag-alaga at nagpalaki sa kaniya dahil sa madalas ay nasa labas ang kaniyang ina upang mangalakal ng mga bote, garapa at diyaryo.


Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa kaniyang vlog ang kinalakihan niyang bahay ngunit maraming mga netizens ang bumatikos sa kaniya dahil sa hindi man lang nito napaayos ang bahay ng kaniyang lola na tila ba tagpi-tagpi na. Sagot naman ni Lyca, nais niya talagang ipagawa ito ngunit sadyang napakalakas lang ng alon kung kaya napagdesisyunan niyang ipagpaliban muna ito.

“Marami ang nagre-request, marami akong nakikita sa mga comments. Ipapagawa ko na po ang bahay ni Lola. Pero matagal ko na po talaga gusto ipagawa ang bahay ni lola. Malakas lang po talaga ang alon,” pahayag ni Lyca.

Dagdag pa ng singer ay hindi niya pinabayaan ang kaniyang lola na tumira sa luma nilang bahay. Noon pa man ay pinipilit na niyang tumira ito sa kanilang maayos na bahay ngunit ayaw talagang pumayag ng kaniyang lola.

Naging napakahalaga kasi ng lumang bahay na ito sa kaniyang lola kung kaya naman ayaw niyang umalis dito. Komportable at sanay na raw kasi siya dito. Ngunit dahil na rin sa mga komento at pag-aalala ng publiko ay ipapaayos na ni Lyca ang bahay ng kaniyang mahal na lola.




error: Content is protected !!