Sharlene San Pedro masayang ibinahagi sa publiko ang simpleng buhay nila ngayon sa probinsiya!



Si Sharlene Santos San Pedro o mas nakilala ng publiko bilang si Sharlene San Pedro ay 21 taong gulang na aktres, singer, VJ, host at vlogger. Sa murang edad na apat na taong gulang ay sumali siya Star Circle Quest: Kids Edition taong 2004 kung saan naging “second place siya”.

Mula noon ay sinubaybayan na siya ng maraming mga Pilipino. Nakita natin kung paano siya lumaki at nagtagumpay bilang isang cute na child actress hanggang sa ngayon na siya ay nagdalaga na.

Mayroon siyang pambihirang talento pagdating sa pag-arte, pag-awit at pagtatanghal kung kaya naman agad siyang hinangaan ng maraming mga tao. Kamakailan lamang ay pinasok na rin niya pati ang “vlogging”.



Dahil sa pandemya ay sa bahay muna nila sa probinsiya sila naninirahan kasama ang kaniyang pamilya. Ikinatuwa ng publiko ang pagbabahagi niya ng simpleng pamumuhay niya at ng kaniyang pamilya ngayon sa Bulacan.



Siyempre, hindi mawawala sa probinsiya ang maraming mga halaman, puno at iba pang mga pananim. Prutas at gulay ang talaga namang kapaki-pakinabang sa mga ito.

Sina Sharlene ay mayroong pananim na ampalaya at okra. Hindi rin maaaring mawala ang kalamansi na swak na swak sa sawsawan na toyomansi.

Mayroon ding ilog sa ibabang bahagi ng kanilang tahanan kung saan nangingisda ang kaniyang ama. Tunay nga na napakasarap mamuhay ng simple at komportable lalo na sa probinsiya.

Sabi nga nila, masarap mamuhay sa probinsiya dahil sa mura ang bilihin at sariwa ang mga pagkain. Ngunit kadalasan ay halos libre o walang bayad ang mga pagkain dito.

Hindi lamang kasi sagana sa likas na yaman ang maraming probinsiya sa ating bansa marami din tayong mababait na mga kamag-anak at kapitbahay. Ito marahil ang ilan sa mga dahilan ng maraming mga Pilipino kung kaya maraming nagpaplano at nangangarap na magretiro at manirahan na lamang sa probinsiya.


Ikaw, nais mo rin bang maranasan ang ganito kasimple ngunit masaganang buhay?




error: Content is protected !!