Cute na pamangkin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, nagsilbing swerte sa kaniya mula nang maisilang ito!



Si Pia Alonzo Wurtzbach ay 30 taong gulang na beauty pageant titleholder, aktres, modelo, at television presenter. Isa siya sa apat na mga Pilipinang nag-uwi ng korona ng Miss Universe.

Nagwagi din siya noon sa Binibining Pilipinas 2015. Nagsilbing inspirasyon si Pia sa maraming mga Pilipino dahil sa hindi ito sumuko sa mga pagsubok at mabigat na hamon ng buhay.


Bagkus ay patuloy siyang nagsumikap na makamit ang matagal na niyang pangarap. Tatlong beses pa nga siyang sumubok na sumali sa Binibining Pilipinas bago pa niya maiuwi ang korona ng prestihiyosong patimpalak na Miss Universe.


Dahil sa kaniyang matinding pagnanais at pagtitiyagang makuha ang kaniyang pangarap ay nakamtan na niya ito sa wakas noong taong 2015. Matapos niyang mapagtagumpayan ang mga paghihirap at sakripisyo niyang ito sa buhay ay malaki ang pasasalamat niya sa mga taong naging bahagi ng kaniyang tagumpay at isa na rito ang pamangkin niyang si Lara Wurtzbach-Manze.


Naalala niya noong taong 2014 ay sabik siyang masilayan ang kaniyang pamangkin kung kaya naman lumipad pa oto patungong London upan hintayin sana ang panganganak ni Sarah sa anak nitong si Lara ngunit hindi pa rin ito nakapanganak. Nang naisilang na niya si Lara ay saka naman nagsunod-sunod ang mga swerte sa buhay ni Pia.




Una na nga rito ang pagiging opisyal niyang kandidata ng Binibining Pilipinas noong araw ng kapanganakan ng pamangkin niyang si Lara. Tuwang-tuwa si Pia sa kaniyang pamangkin dahil sa hindi lamang ito cute at maganda kundi talaga namang mapagbigay din sa kaniyang mga kaibigan kahit pa ng kaniyang pagkain.


Sa tuwing stressed o nakakaramdam ng “burn-out” sa trabaho si Pia ay nanunuod lamang ito ng mga cute videos ng kaniyang pamangkin at nawawala na ang pagod nito sa trabaho. Para kay Pia, hindi lamang niya pamangkin si Lara kundi parang isang tunay na anak na rin.


Malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa buhay ni Lara na hindi lamang nagdudulot kaligayahan sa kanilang pamilya, nagsisilbi ring inspirasyon at swerte sa kaniyang buhay.




error: Content is protected !!