Amerikano, pinagpatayo ng bahay ang pamilyang kumupkop sa kaniya dahil sa kanilang kabaitan sa kaniya!



Sa panahon natin ngayon, hindi ka ba magdadalawang-isip na tumulong sa isang estranghero na tila ba naliligaw at walang mahingan ng tulong? Marahil marami sa atin ang mag-iingat muna at magpapakasigurado bago pa man tulungan ang hindi kilalang tao na ito.



Hindi naman natin masisisi ang iilan sa ganitong kaisipan dahil sa mahirap naman talagang magtiwala sa panahon natin ngayon. Marami ang napapahamak at nasasawi dahil sa pagtitiwala o pagtulong sa ibang tao.


Ngunit sa kabila pala ng panganib na maaaring maidulot nito sa atin ay marami pa ring mga taong magnanais na tumulong sa mga taong tunay na nangagailangan. Tulad na lamang ng isang pamilya na ito na tumulong sa isang Amerikanong na-stranded dahil sa pandemya nitong mga nakaraang buwan.



Ayon sa ilang mga ulat taong 2016 noon nang bumisita si Dustin Borglin sa Cebu. Isa siyang American vlogger at talaga namang nabighani siya sa ganda ng ating bansa.

Makalipas ang ilang taon ay muli siyang bumalik dito ngunit hindi niya inaasahang dito na rin pala siya maaabutan ng “lockdown”. Sa kabilang banda, sa halip na mag-alala at malungkot ay ginamit na lamang niya ang pagkakataon na ito upang maglibang at maranasan ang buhay sa probinsiya.



Naglaan din siya ng oras upang matulungan ang ilang mga kababayan natin lalo na sa gitna ng pandemya. Gamit ang kaniyang motor ay namamahagi ka siya ng pera at ayuda sa mga nangangailangan gamit ang pera na kinakita ng kaniyang vlog.


Nakapagpatayo na rin siya ng isang palikuran sa Toledo City para sa mga residente ditong walang maayos na palikuran. Malaki rin ang pasasalamat ni Dustin sa pamilya nina Raymund at Reche Adoptante na siyang kumupkop sa kaniya noong na-stranded siya dahil sa lockdown.



Hindi na siya nagdalawang-isip pang pagawan ng bahay ang mag-asawang ito dahil sa kabaitan at pagmamalasakit na ipinakita nila sa kaniya.




error: Content is protected !!