Dambuhalang “Cream Dory” nabingwit ng isang mangingisda sa Marikina River!



Tunay nga na napakayaman ng Pilipinas sa mga likas na yaman, hindi maipagkakailang marami tayong mga magagandang kabundukan, kagubatan, bulkan, ilog, talon, karagatan, at iba pang mga magagandang tanawin. Sa mga destinasyong ito ay hindi lamang magandang tanawin ang maaari nating makita dahil sa marami ding mga biyayang matatagpuan dito.



Halimbawa na lamang ang mga gulay at prutas na maaaring makita sa bundok, burol o kagubatan. Marami ding mga isda at iba pang yamang-tubig na mahuhuli sa ating karagatan at ilog.
Kamakailan nga lamang ay mayroong natagpuang dambuhalang “Creamy Dory” sa Marikina River! Ang nahuling isda ay mayroonh timbang na 25.5 kilo.


Hindi makapaniwala ang nakararami dahil sa kasalukuyan pa ring sumasailalim ang ilog sa rehabilitasyon sa pamumuno na rin ng kanilang alkalde na si Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro. Ang pagkakahuli ng malusog at malaking isda na ito ay isang palatandaan na unti-unti nang nagkakaroon muli ng buhay ang anyong-tubig na ito na minsan nang nasira dahil sa kapabayaan ng maraming mga tao lalo na ng mga residente na naninirahan malapit dito.


Madalas kasing bumabaha ang lugar na ito dahil sa napakaraming basura na kalaunan ay inaagos na rin patungo sa ilog na siyang nagiging sanhi ng pagkasira nito. Kung kaya naman umani rin ito ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko.



“Sana ingatan nila ang Ilog Pasig, huwag magtapon ng mga basura diyan kasi sila rin naman makikinabang kapag malinis ang ilog.. hindi pa po huli sa aking mga kapwa-Pilipino na mahalin natin ang ating yamang kalikasan magkaroon lamang po tayo ng disiplina,” pahayag ng isang netizen.


“Sana lahat ng ilog nililinis yung iba kasi ginagawang tapunan ng basura.” Turan pa ng isa.

“Ito ang resulta ng paghihigpit ng kanilang lokal na pamahalaan, kaya kung tayo po ay susunod, tayo rin po ang aani ng kabutihan,” komento naman ng isa.




error: Content is protected !!