Dating sumali sa “marriage booth” ngayon ay masayang-masaya na sa kanilang buhay mag-asawa!



Napakasarap bumalik sa pagkabata hindi ba? Isa sa hindi natin malilimutan ay ang pagiging binata at dalaga natin noon.

Nang mga panahong ito ay marahil nasa hayskul pa lamang ang marami sa atin. Hindi na rin natin mabilang ang mga masasayang alaala natin noong tayo ay nag-aaral pa lamang.

Isa sa mga bagay na hindi natin makakalimutan sa ating “highschool life” ay ang pagsasamahan nating magkakaibigan at magkakaklase. Marami pa nga sa atin ngayon ang tunay pa ring magkakabarkada ilang dekada man ang lumipas.


Ilan nga sa atin ay nakatuluyan pa ang mga kamag-aral natin o ka-batch sa hayskul. Tulad na lamang halimbawa ng naging karanasan ng netizen na si Diether Catigas at ng kaniyang asawa.
Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng ilang larawan na nagpapakita ng sinalihan nilang “marriage booth” noon at ng misis niyang si KM Catugas. Mayroon pa itong caption na “Nag-marriage booth lang kami noon, asawa ko na ngayon.”



Hindi man kumpleto sa detalye ang viral post, marami pa ring mga netizens ang namangha at bumilib sa mag-asawang ito. Narito ang ilan sa kanilang mga naginh komento at reaksyon:


“Ang bilis naman po ng panahon haha parang high school lang po yata kayo d’yan eh pero anyway congrats for both of you. Sana all.” Komento ng isang netizen.


“Ganito din sana ako. Kaso runaway bride ako eh. Hahahaha hindi ko bet yung pinartner ni Bestfriend,” pahayag pa ng isa.

“My gosh naalala ko noong high school. Madalas kaming ginaganiyan noon. Pipiringan ang mga mata namin. Wala ka nang kawala. Tapos dadalhin ka na sa booth. Pagtanggal ng piring, magugulat ka na lang, it’s either ang pinakaayaw mo sa classroom o ‘yung crush mo ang ipapakasal sa iyo ng mga mapan-trip na kaklase.” turan naman ng isa.

“Wow, kung nagkakatotoo ang ilan sa mga na-marriage booth, paano naman ang mga na-ja!l booth? Hahaha,” reaksyon naman ng isa pa.




error: Content is protected !!