Dawn Zulueta masayang nagbahagi ng ilang mga larawan niya at ng kaniyang mga puting buhok!



Si Rachel Marie Salman Taleon o mas nakilala natin bilang si Dawn Zulueta ay 51 taong gulang na aktres, modelo, at host. Hinangaan natin siya hindi lamang dahil sa mahuhusay niyang pagganap sa mga karakter niya sa kaniyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula kundi maging sa nakakabighani niyang kagandahan.


Siya din ang kaisa-isang artistang nanalo ng dalawang pangunahing karangalan na Best Actress at Best Supporting Actress noong 1992 sa FAMAS Awards. Isa rin siya sa sampung Pilipinang aktres na napabilang sa Manila Standard “Top 10 Actresses of the 1990s”.




Siya ay kasal kay Antonio Lagdameo, Jr. Mayroon silang dalawang mga anak sina Jacobo Antonio (2006) at Ayisha Madlen (2009). Kamakailan lamang ay sinorpresa niya ang milyon milyon niyang tagahanga at tagasuporta sa social media dahil sa mga larawang ibinahagi niya sa kaniyang social media account.


Kapansin-pansin kasi sa mga larawan nito na marami na ang kaniyang mga puting buhok. Kung ang isang tao ay marami nang puting buhok sa kaniyang ulo, madalas na nangangahulugan ito na matanda na siya.


At batid naman natin na maraming mga indibidwal lalo na mga kababaihan ang ayaw na ayaw ang salitang “pagtanda”. Ngunit hindi ito ikinabahala ni Dawn, sa halip ay tila ba niyakap at ipinagmamalaki pa niya ito.


Maraming mga Pilipino ang namangha sa kaniya dahil sa kabila ng mga puti niyang buhok na akala mo ay simbolo na ng katandaan, mas nagniningning pa rin ang angkin niyang kagandahan na tila ba hindi naluluma sa paglipas ng panahon. Tunay ngang hindi natin dapat ikadismaya o ikalungkot ang pagkakaroon natin ng mga puting buhok dahil sa nangangahulugab din ito nang ating mga pinagdaanan at naging tagumpay sa buhay.


Marapat lamang na mas maging maligaya pa tayo sa buhay natin ngayon at magpasalamat dahil sa mga biyaya at pagpapalang natatanggap natin sa Diyos sa araw-araw.






error: Content is protected !!