Mga anak ni Kris Aquino na si Josh at Bimby, mga 6-footer na pala!



Bilang mga magulang, wala tayong ibang nais para sa ating mga anak kundi ang ikabubuti nila. Palagi nating nais ang pagkakaroon nila ng ligtas at komportableng buhay.


Hindi madali ang magpalaki ng mga anak ngunit isa rin ito sa pinakamasarap na pakiramdam at pinakamagandang tagumpay na makakamtan mo sa iyong buhay. Kamakailan lamang ay nagbahagi ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino ng larawan ng kaniyang mga anak na sina Josh, 25 taong gulang at si Bimby na 13 taong gulang na.



Sinong mag-aakala na ang mga anak niya ay mga binata na pala ngayon. Namana nila ang tindig at taas ng kanilang mga ama.


Tunay nga na nasa lahi at dugo nila ang pagiging matangkad. Hindi makapaniwala ang maraming mga tagahanga at tagasuporta ni Kris na ang dating cute na cute na mga babies niya ay kayang kaya na siyang ipagtanggol sa ngayon.

Tunay nga na hindi man naging mapalad ang batikang host at aktres pagdating sa kaniyang buhay pag-ibig, pinagpala naman siya dahil sa kaniyang mga anak na mahal na mahal siya. Hindi naging madali ang mga sakripisyo at ang mga pinagdaanan ng isang Kris Aquino kahit noon pa mang kabataan niya dahil sa usaping politikal ng bansa.



Ngunit sa kabila nito ay nagsisilbi pa rin siya bilang isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kababaihan. Hindi birong maging “solo parent”, hindi madali maging isang ina ngunit niyakap niya ito at pinatunayan sa lahat na hindi imposibleng magawa ito ng kahit sino lalo na kung mayroon silang pagmamahal sa kanilang puso.



Kung kaya naman kahit gaano pa karaming taon ang lumipas, mananatili pa ring bata para sa kaniya ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby. Hindi siya magsasawang alagaan at suportahan silang dalawa dahil sila ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ng kanilang ina.




error: Content is protected !!