Nadine Samonte sa pagiging isang online seller,: “Hindi ako nahihiya.”



Marami tayong naranasang mga pagbabago sa buhay natin mula nang nanalanta ang pandemyang COVID-19 sa bansa. Ilan sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dahil sa nakakahawang sakit na ito.


Marami din ang nasawi habang ang iba ay patuloy pa ring lumalaban upang mabuhay. Dahil sa dami ng mga pangyayaring naranasan natin ay marami na rin sa atin ang naging madiskarte at maparaan sa buhay para sa kanilang mga mahal sa buhay.




Kamakailan lamang ay nagulat ang mga tagahanga at tagasuporta ni Nadine Samonte dahil sa maging ang isang tulad niyang artista ay nagtitinda na rin pala “online”. Sa ngayon ay abala siya sa pagtitinda ng “dried fish” o mga tuyong isda mula pa sa Masbate.


Ayon din sa aktres ay personal niyang paborito ang mga ito. Ibinahagi ni Nadine sa kaniyang Instagram post na hindi siya nahihiyang magbenta ng mga ito dahil sa panahon ngayon ay kailangan nating maging madiskarte sa buhay.



Masarap naman daw kasi talaga ang kaniyang paninda kung kaya naman hindi ito nakakahiyang itinda sa iba. Ilan sa mga tinitinda niya sa ngayon ay danggit, dilis, pusit at “palad flakes”.


Palagi ding “sold out” ang kaniyang mga paninda kung kaya naman palagi siyang nag-aupdate ng mga bagong dating niyang paninda sa kaniyang social media account. Si Nadine ay isa sa mga sumikat na talent mula sa “Starstruck” ng GMA-7. Ilan sa mga proyektong kinabilangan niya ay ang “Marimar” noong 2007, “Darna” noong 2009 at sa mga pelikulang “Forever My Love” noong 2004 at “Hari ng Sablay” noong 2005.



Tunay nga na sa panahon natin ngayon ay hindi na nakatutulong pa ang labis na pag-aalala sa maraming mga bagay o di kaya naman ay ang pagmumukmok na lamang sa isang tabi. Mas mabuti pa rin ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at ang papapanatili ng mabuti nating kalusugan hindi lamang pisikal, emosyonal, at maging ispiritwal.




error: Content is protected !!